Simula

24.9K 264 20
                                    

Simula

“I don’t like your clothes right now, Leigh. You should change,” reklamo ni Chico habang nagmamaneho papuntang RepublicX. Tinaasan ko naman siya ng kilay at tinawanan. Kanina pa kasi siya dakdak ng dakdak sa suot ko ngayon. What’s wrong with my ripped jeans and hanging blouse? “Can’t you see? Ang panget sa’yo!” Napalaki ako ng mata sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin at humagalpak ng tawa. Sasapakin ko na sana siya ngunit bigla niyang binuksan ang pinto ng kotse at lumabas. Akala ko pa naman concern na concern! ‘Yun naman pala mangungutya lang ang letse!

Ito ang pambungad sa akin ng kambal ko pagkauwi na pagkauwi ko. Wow, napakabait na kambal talaga nitong si Chico. Sarap sapakin.

“Damn you,” I swear. Napailing ako at bumaba ng kotse. Isang taon akong nawala pero hindi man lang nabago ang kasamaan ng ugali ni Francisco. Isang taon akong namalagi sa New York at minsa’y nagawi sa Paris pero wala pa ring nagbago. Wala ba talaga? O hindi ko pa ramdam ang pagbabago ng pagkawala ko?

“Hindi kasi bagay sa’yo.” Tinaasan niya ako ng isang kilay. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya at tinitigan ako pagkababa na pagkababa sa kotse. Pinasadahan niya ako ng tingin at humagalpak na naman ng tawa. Letse!

“Ass,” I gritted my teeth. Sinamaan ko siya ng tingin. Kainis! Ito talaga ang bungad niya sa akin! Sa New York nga o sa ibang bansa, hindi pinapansin ang suot mo. Sobrang malaya ka sa susuotin mo. Dito naman sa Pilipinas, hindi na mawala sa tao na husgahan ang pananamit mo. Ogod!

Naglakad na ako at nilagpasan siya para makapasok ng RepublicX. Napapikit ako ng bumungad sa akin at kulay asul at pulang ilaw ng bar. Biglang binulabog ng musika ang dibdib ko. God, bigla akong kinabahan sa tugtog. Ramdam kong nasa Pilipinas na talaga ako ngayon. Bakit ba kasi dito ako diniretso ni Chico mula sa airport?! Hindi ba pwedeng sa bahay muna?!

“Leigh! Damn, Leigh!” Mula sa alon ng tao sa bar ay hinanap ko ang tumawag sa aking pangalan. At sa puti siguro ng ngipin nito dahil sa ngisi niya’y kaya natagpuan ko siya. “You’re sexy as fuck. Damn.” Sa mura palang niya sino bang hindi malalaman kung sino ‘to? At sa kalandian niya? At sa kamanyakan niya?

Nang makapunta siya pwesto ko’y agad niya akong hinapit sa bewang. Tinulak ko naman siya at sinapak sa pisngi. Muntik na siyang matumba sa suntok ko at napangiwi siya sa sakit. “Pucha! ‘Yan ba ang ibubungad mo sa akin!”

“Manyak ka pa rin, Newt!” Hindi ko mapigilang hindi ngumiti sa nakikita ko. Damn, Newt. Namiss lang siguro ako ng taong ito.

“Well…” Nagkibit balikat siya sa akin. At biglang tumingin sa gilid ko. “Dude,” ani Newt. And playfully punch Chico at his arm. Ganun din naman ang ginawa ng kambal ko.

“Where’s Cons?” Chico asked. Ngumuso naman si Newt sa isang direksyon. Napatingin ako roon at nakita kong umiinom ng mag-isa si Conrad sa counter. Well, may babae sa paligid ngunit hindi niya pinapansin.

“Medyo bad boy ‘yang si lord Conrad. Tinatanggihan ang mga babae ngayon.” Natatawang sabi ni Newt at nanlaki ang mata ko nang may hilahin siyang babae. Hinalikan niya ito sa labi hanggang sa leeg. WHAT THE FUCK?

“Fuck you, Newt. Tumigil ka nga!” Naiirita kong sagot at pinaghiwalay sila ng babae. Tinaasan ako ng kilay pero mas tinarayan ko siya. Nagpapadyak iyong babae at umalis sa pwesto namin.

“Wow, conservative natin a? Hindi ka ba nakaranas sa NY nito?” Newt smirked at me. At bago ko pa siya masapak ay hinila na ako ni Chico sa pwesto ni Conrad. Bwisit! Naiirita na ako sa kamanyakan nitong si Newt.

Agad na may inabot sa aking inumin. Nilagok ko iyon para mapakalma ang sarili ko.

“You, ready?” bigla akong napatingin kay Chico. Nanunuya ang tingin niya sa akin kaya napakunot ako ng noo.

When Love Makes A Mistake (Book 2 of WL Trilogy) (ML, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon