Chapter 5

279K 4K 366
                                    

Nagising ako kinabukasan na yakap yakap pa din ni Mark. Bibihirang pagkakataon ito na natulog ako sa kwarto niya na wala kaming masyadong ginawa, hindi niya ako pinagod. O para madali sa akin na paniwalaan na may sakit nga siya. Kaya wala siyang ginawa.

Sabi ko sa kanya na maaga akong pupunta ng university pero anong oras na andito pa din ako sa tabi niya. Baka isipin niya na nagdahilan lang din ako kagabi na maaga ako ngayon para hindi ko siya alagaan. Akmang tatayo na ako ng humigpit lalo ang yakap niya. Nung tingnan ko siya, nakapikit pa din naman siya. Kaya hindi ko alam kung tulog ba siya or nagtutulog tulugan lang. Nagsasakit sakitan, nagtutulug tulugan, ok lang din naman sa kin kung kunwari Mahal mo din ako Mark Ethan.

"May klase pa ako."

Sabi ko ng ilang beses na sinubukan ko na kumawala sa kanya. Kumawala? Sa simpleng yakap niya hindi ko na ngang magawang kumawala. Sa sitwasyon pa kaya namin?

Naramdaman ko ang pagluwa ng yakap niya. At pagdantay ng isang kamay niya sa ibabaw ng tiyan ko.

"Wala pa ba?"

Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya? Iniisip niya ba talaga na mabubuntis ako? Oo sa ginagawa namin malabong hindi magbunga yun. Pero hindi pa naman ako ganun katanga para hayaan na magdalang tao ako. Naghirap ako na itago ang sitwasyon namin tapos magpapabuntis lang ako?

"imposibleng mabuntis ako"

"bakit? babae ka kaya posibleng mabubuntis ka. at lalaki ako na may kakayahan na gawin yun"

Bumangon na ako. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang pakikipag usap sa kaniya tungkol sa bagay na ito o lalabas na lang ng silid niya para umalis at pumasok na lang. Nung lingunin ko siya. seryoso lang siyang nakatingin sa akin, hindi ko alam kung hinihintay ba niya na magsalita ako o ipaliwanag kunga bakit hindi ako mabubuntis o bakit ayaw kong magbuntis.

"hindi ko pa din itinitigil ang pag inum ng pills"

Mahina kong sabi. Pero malakas ata ang epekto sa kanya kasi mabilis siyang bumangon at dali daling nilapitan ako. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. Galit siya. Hindi lang pala galit. Galit na galit siya. Na hindi ko alam kung bakit kasi katawan ko pa din naman ito. Kung mabubuntis ako, ako yung magdadala ng siyam na buwan, kaya ako ang dapat mangalaga sa sarili ko.

"Ayaw mong mabuntis ka?!"

"OO!!"

Napaatras siya sa pagsigaw ko. Ayaw kong magbunga kung ano man ang ginagawa namin, ayaw kong dahil aa sitwasyon namin ay magdalang tao ako. Kahit kalahati ng pagkatao ko gustong gusto na mabuntis ako. Na kung sakaling maisipan niya na iwan ako atleast may anak ako, na yung lalaking sobrang minamahal ko ay siya yung ama ng magiging anak ko. Pero hindi ako nakatira sa mundo na ako lang ang tao, na sarili ko lang ang iisipin ko. May pamilya akong masasaktan kung mabigo ko man sila kasi hindi natupad ang pangarap nila para sa akin.

"hindi kita maihahatid ngayon. pwede ka ng umalis"

Tinalikuran na niya ako. So ganun lang iyon? akala ko mag uusap kami. Akala ko totoong galit nga siya. Akala ko gusto niyang magkaanak talaga kami. O baka naman iniisip niya na kabawasan sa pagkalalaki niya yun, na hindi siya makabuo.

"Mark Ethan, hanggang kailan ba tayo ganito?"

Siguro kailangan kong malaman yun. Kung hanggang kelan ako mahihirapan. Mukhang malabo kasi yung isang bagay na inaasam ko mula sa kanya. Yung mahalin nya ako.

" hanggat gusto ko"

Hindi pa din siya humaharap sa akin. Hanggat gusto niya? Pag nanawa na siya pwede na niya akong iwan basta basta.

"pag malapit ka ng manawa, sabihan mo lang ako. Para.."

"para makalapit na sayo ang ibang lalaki?!!"

Ewan kung saan ko nakuha yung lakas ng loob para sampalin siya. Hindi man diretsong pang iinsulto pero pakiramdam ko na ang baba ng tingin niya sa akin. Sa tingin niya ba na hahanap ako ng lalaki pag lumayo siya? Sa tingin ba nya na basta basta ko makakalimutan lahat? Pero sa halip na magalit siya sa ginawa ko, bigla na lang niya akong niyakap.

Hindi ko magawang kumilos sa higpit ng pagkakayakap niya. Naramdaman ko na lang ang mumunting halik na ginagawa niya sa leeg ko. Yung mainit na hininga niya na naghahatid ng kakaibang kilabot sa pagkatao ko. Nung umalis siya mula sa pagkakayakap sa akin agad niya akong hinalikan sa labi. Matagal. Maalab.

Lagi na lang ba sa ganito hahantong ang lahat? Lagi na lang ba akong paulit ulit na magpaparaya sa isang sitwasyon na ang mga halik ni Mark Ethan ang batas. At ako ay isang sunod sunuran lang.

_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon