9. Surprise, surprise.

49.8K 1.1K 403
                                    

9. SURPRISE, SURPRISE.

THE NIGHT of TJ’s 5th year death anniversary..........

“Third...” bungad ni Tim Angelo nang sagutin ni Third ang tawag nito.

“O, bakit wala pa kayo rito? Hindi ulit pupunta si Yanna?” tanong ni Third. Nasa bahay kasi sila nila Tita Mina dahil death anniversary ni TJ.

“Wala pa rin siya d’yan??” Parang nagtaka pa si Tim Angelo.

“Ayos ka rin, ‘no? Sino ba’ng sumundo? Ikaw ‘tong maswerteng nilalang, bakit hindi mo alam?” ‘Wag nitong sabihing hindi nito alam kung nasaan si Arianna?

“Ah, f-ck... Nag-init ulo ko, iniwanan ko siya sa bar—“

“E, gago,” napatayo agad si Third sa narinig niya. “Gago naman, Tim, o! Sa dami ng araw na pwede mo siyang iwan, gabi pa? Araw nga, di ba, ba’t ginabi mo?!”

“Nawawala si Tana—I mean, si Yanna, nawawala?” singit ni Kristoffer na katabi niya. Halatang nag-alala bigla. Kauuwi lang nito kaninang umaga galing America.

Tinanguan niya lang ‘to at ibinalik ang pansin sa kausap na si Tim.

“I.... Sh-t. Tulungan mo na lang akong hanapin siya, Third.” Halatang nataranta na si Tim.

Tsk-tsk. Sa dami nila na ‘yan, ha... Sa dami nilang nagmamahal kay Arianna, wala pa rin silang binatbat sa nag-iisang mahal nito.

T-ngina mo, Jepengson, ba’t kasi namatay ka pa?, asar na naisip niya.

“Sige, Timang ka talaga... Balikan mo sa bar, hahanapin namin sa ibang lugar.” Iyon lang at ini-end niya na ang tawag.

Hinanap nga nila ni Kristoffer, Derick, Jake, Neil at Diego si Arianna. Hindi na nila pinaalam sa mga babae’t kay Ej ang pagkawala ni Yanna. Siguradong mas malala pag-aalala ng mga ‘yun, e.

Wala raw sa bar kung nasaan si Arianna kanina sabi ni Tim. Wala rin daw sa bahay nito. Kung saan-saang kalye’t bar na rin sila naghanap pero wala pa rin.

Nang biglang may sumaglit sa isip ni Third.

Ah! Infinitree nila ni TJ!

Dali-dali siyang nagpunta ro’n nang maalala ang special place ng dalawa. Alam niya ‘yun dahil doon nga ikinasal ang dalawa. Siguro nando’n si Arianna. Please. Sana.

Pero pagdating niya, wala naman doon si Arianna.

Napapukpok na lang siya sa manibela ng sasakyan niya. “Shet, Yanna, sa’ng lupalop ng Metro Manila ka ngumangawa?”

Tumatawag si Kristoffer kaya sinagot niya.

“O? P’re, wala rito sa infinitree nila—“

“Saan pa ba siya pwedeng pumunta? Mag-isip ka nga kung saan siya madalas tutal ikaw nakakasama niya noon. Dali, Third!”

“Teka ka nga! Buset, nagpa-panic kasi tayo, e!” Oo, nagpa-panic na siya. Saan pa ba kasi pwedeng pumunta si Arianna? ‘Yung may kinalaman kay TJ? Bukod sa infinitree, sa—“Memo....” biglang naiusal niya.

[BME 3] : BE MY ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon