11. Past is past

185K 4.5K 313
                                    

"Nasaan si, Hades ---- I mean iyong driver ko?"

Iyon ang unang lumabas sa bibig ko nang makita ko ang lalaking nakatayo sa tabi ng kotse ko. He's new. Hindi ko siya kilala. Nagpalinga-linga ako. Nang hindi ko makita si Hades ay pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita ko si Papa na nagbabasa ng kung ano sa dining area. Lumapit ako sa kanya. Ni hindi ko alam na nakarating na pala siya. He looked at me. Hindi man lang ako binatin ni Papa ng happy birthday. Maybe I don't matter at all.

"Papa, nasaan si Hades? Iyong driver ko? Male-late na ako sa school." Second year college na ako. I am taking up a business course and I was damn good at it.

"He resigned, Hera. Si Joven ang bago mong driver." My mouth parted. Parang gusto kong magwala sa nga narinig ko.Hades resigned. Bakit hindi niya sinabi sa akin? He resigned the mornibg after we... My mouth parted. Hindi magagawa ni Hades iyon. Mahal niya ako pero baka nagkataon lang. Tumalikod ako at lumabas na ng bahay. I didn;t want my father to see my tears. He didn't raised me to be iyakin. He wanted me to be strong. Iyon yata ang ibig sabihin nang palaging sinasabi ni Mama. Iba ako dahil anak ako ni Lukas Consunji. Iba ako - hindi ako dapat umiiyak pero hindi ko mapigilan. 

I felt like my heart was tearing apart. The thiught of not seeing Hades after the night we had - the thought that he only played with my heart makes me want to go all out Consunji - now, I don't know what All out Consunji means - it's just an expression I always hear from Mama - pero iyon lang ang makakatumbas ng mga bagay na gusto kong gawin ngayon. 

I bitched out on my driver. I hate him. Wala siyang karapatang umupo sa driver's seat dahil si Hades lang ang bagay doon. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Gusto ko siyang makita. Nagsisimula akong makaramdam ng galit sa kanya. Naiinis ako. Gusto kong magwala pero hindi ko magawa. Gusto ko na sa oras na magwala ako - alam ko ang dahilan. Alam ko kung sino ang sasaktan. 

Nakarating ako sa University. Maghapong mainit ang ulo ko. I went Hera Consunji on my professors and I didn;t even care.  They can fail me if they want too, I wouldn;t even give a damn. Ayokong umuwi sa bahay. I just stayed in the Univeristy bench. Nakikita ko mula sa kinauupuan ako ang kotse ko. Sigurado ako na naroon ang driver ko pero wala akong pakialam. Pilit kong iniisip na hindi lang ako basta pinaglaruan ni Hades. Mahal niya ako - naramdaman ko iyin sa ilang panahon na magkasama kami at kung hindi niya ako mahal - maghihintay pa ba siya ng halos dalawang taon para makuha ako? 

Pero bakit ganoon? Kahit ilang beses kong isipin na mahal niya ako pilit pa rin sumisiksik sa isipan ko na niloko niya ako. Matalino ako. At ngayon naiinis ako dahil matalino ako. Hindi ko kasi maitanggi na malaki ang posibilidad na kaya siya umalis ay dahil nakuha na niya ang gusto niya sa akin- and that thought alone was enough to bring me to tears. Hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak. Nasasaktan ako. Tulo nang tulo ang mga luha ko. Hindi nagtagal ay hindi na lamang luha ang pumapatak. Nakisama na rin ang ulan. But I didn't move. I stayed right where I was sitting. Suddenly, I felt someone tapped my shoulder. Tumingala ako. I saw a red umbrella. I looked at my left - ang inaasahan kong makita ay ang driver ko but my eyes widened with tars and amazement when I saw my Hades standing before me. He reached for my hand and made me stand up. 

"Nababasa ang reyna ko." Nakangiting wika niya. Napahagulgol ako. I knew it! Nandito siya. Hindi niya ako iiwan. Hindi niya ako sasaktan. Tulad ng sinabi niya noon sa akin, mahal niya ako. Hindi niya ako sasaktan. Mali lahat ng iniisip ko - I should've known na mali ang lahat ng iniisip ko. Hindi ganoon klase ng tao ang lalaking minahal ko. 

"Hindi ka nagpaala." Sumisinghap na wika ko. "Akala ko iniwan mo na ako." He held my chin and kissed my lips. I savored the moment for I missed him so much. Ilang oras pa lang kaming hindi nagkita pakiramdam ko habambuhay na ang naging pagkawala niya. 

Someone to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon