Prologue

971K 11.2K 743
  • Dedicated kay To All My Readers ^________^
                                    

"Tulala ka jan teh? Nami-miss mo siya 'no?" untag sa akin ni Jacky.

Napatingin ako sa kanya mula sa pagkakatitig ko sa sibuyas na kanina ko pa hawak pero hanggang ngayon ay buo pa rin. Pinagluluto ko kasi ng spaghetti 'tong kaibigan kong 'to.

"Pinagsasasabi mo jan?"

"Ay sus! Kunwari pa oh! Alam ko namang paborito ng Prince Charming mo ang spagetti!" Sinundot-sundot niya pa yung tagiliran ko habang ginagalaw galaw yung mga kilay niya.

"Tigilan mo nga ako!" natatawang sabi ko sabay ng akmang pagbato ko ng sibuyas sa kanya.

Nanakbo siya papunta sa kabilang bahagi ng kusina para makaiwas. Napailing na lang ako pagkakita ko sa nanunudyo niya pa ring mga mata. Pinaikot ko na lang yung mga mata ko saka umiwas ng tingin.

Nangalumbaba siya at ipinatong ang mga braso sa sandalan ng upuan saka sumeryoso. "Pero seriously Lana, 'Di mo man lang ba siya nami-miss?" nakatitig siya sa akin at naghihintay ng sagot ko.

"Hindi," sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

Hindi ko siya na-miss.

Hindi ko siya nami-miss.

Hindi ko siya mami-miss.

Never!

Hayyy, sino ba'ng niloloko ko?!

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon