Chapter 14 - Courting like a boss!

1.1K 15 1
                                    

KYLE’S POV

Ngayon, mas lalo kong narealize na ayokong mawala si Cj sa buhay ko..

Narealize ko na ganto pala siya importante sa’kin..

Netong mga nakaraang araw, pinalabas ko sa kanila na naiilang ako kay Nina.. Ginawa ko yun para hindi mapansin ni Cj na may ginagawa akong preparasyon para sa panliligaw ko sa kanya..

Hindi naman talaga ako naiilang kay Nina e. What I know is, okay naman kami. Hindi naman talaga kami nagkakailangan. Ewan ko sa kanya kung ba’t nakiki-join siya sa plano ko..

Anyway, eto napag isipan ko na sa garden ko gagawin ang panliligaw ko sa kanya. Para maraming halaman ang saksi sa pagpapakita ko kung gano ko talaga siya sa gusto..

After every gimmick ng barkada, dumidiretso agad kami ni Dom sa greenhouse..

Tinutulungan niya ako sa mga preparations para sa tamang araw na panliligaw ko kay Mhie.

Gusto kong iparamdam sa kanya na mahalaga siya sa’kin. Na gagawin ko lahat mapasaya lang siya..

Gusto kong suklian ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa’kin ngayon..

Yes, you’ve read it right.. Alam ko..

Matagal na..

Hindi ko lang pinapahalata na alam kong may gusto siya sa’kin. Ayaw ko lang naman kasing magkailangan kami lalo na’t kami pa ni Nina nung nalaman ko..

Ayoko ring masira yung friendship naming lalo na’t kami ang magiging future presidents ng drum & lyre corps. Oo alam ko talaga na kami… Yung current president kasi nadulas ang dila kaya yun.

So much for that..

So yeah, hindi naman ako manhid para hindi maramdaman at hindi makita na may tinatago siyang feelings para sa’kin..

Ang galing ko, I know!

Ang saya ko nung malaman kong may gusto din pala siya sa’kin. Pero di ko pwedeng ipahalata dahil may girlfriend ako. Tanging si Dom lang ang nakakaalam ng sekreto ko..

Akala ko, ako  lang yung may nararamdamang ganun sa kanya.. HINDI PALA! Our feelings our mutual. Eto din yung mga panahong nagbago na ang tingin ko kay Nina. Onti onting nawawala ang pagmamahal ko sa kanya at napapalitan na ng pagmamahal ko kay Cj.

Kaya ko lang nalaman na may gusto siya sa’kin kasi masyadong halata sa mukha niya. Ang bilis niya kasing mamula tuwing magkasama kami. Hindi ko alam kung matatawa ba ako or kikiligin or both dahil sa pagblublushed niya..

Lumipas ang mga taon at nagiging comfortable na din siyang kasama ako. Nakiki-join na din siya sa mga jokes ng tropa at kung anu-ano pang kalokohan. Pero pag kaming dalawa lang, hindi talaga maiwasan ang pamumula niya..

Kaya naisipan ko nang ligawan siya. Total wala na din naman akong girlfriend at siya ang laman ng puso ko.. Why not diba?

Ngayon, nandito kami sa greenhouse.

Ligaw mode parin..

Pumayag siyang ligawan ko siya..

Hindi ko na papalampasin ang oras na to..

“So Mhie..” Lumuhod ulit ako sa harap niya.. Sa itsura niya, para siyang batang walang kaalam alam sa mga nangyayari. Itatanong ko lang naman sa kanya ang tanong na panigurado’y OO agad ang sagot ng mga babaeng nakakandarapa sa’kin..

Bakit? Gifted ako. Thanks kay Lord..

Tumingin ako sa kanya at sinabing…

“Will you be my girl?”

You've Filled My Heart Secretly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon