My Brother's Best Friend (ON HOLD-Again XD)

spinner.gif

 

 

I breathe in the summer air that welcomed me. It's nice to be back in the Philippines. After two years, I'm back home.

Lumabas ako ng airport tulak-tulak yung trolly ng mga bagahe ko.

 

"Railie!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin.

I smiled.

"Kuya!"

 

Oh how I missed my brother. I ran towards him and hugged him tightly.

 

"Kuya Clyde. Grabe! Were you working out? What's with the muscles? Eeeww. You're too stony!"

Napataas yung kilay ni kuya.

"Stony?" he asked.

"Mabato. Look, ang daming umbok sa braso."

Napahalakhak siya saka ginulo ang buhok ko.

"Same old you. Nakakatawa ka pa din. Don't tell me you've been that silly in Paris?"

"Silly? Who? Me? Cute kaya ako."

"Whatever kiddo. Tara na nga. I'm starving."

Luminga-linga ako sa paligid.

"Looking for him?" kuya asked emphasizing on the word 'him'.

"Who? Wala akong hinahanap no. Tumitingin lang ako sa paligid. Tara na nga."

 

He just shrugged his shoulder and went on pushing the trolly towards the car.

 

Dumiretso kami sa dampa malapit sa MOA. Nag request kasi ako ng seafoods dahil hindi ako masyado nakakakain non nung nasa Paris ako. Not that there's no seafood there, its just that most of my friends prefer bread and vegies. Kaya naman para hindi ako ma-OP, kung ano sa kanila ganon din akin.

Akalain niyo yon, two years na ganon.

Pero minsan nung ako lang mag-isa, sinulit ko na ang pagkakataon. I spoiled myself with carbs. Chocolates, ice cream, muffins, and of course seafoods. Save the best for last ika nga. Naging health concious din kasi ako. Epekto nung course ko.

 

Kuya Clyde and I enjoyed everything together with updates about the people I know while eating. Looks like everyone's living their lives. Though not most of them.

 

After eating, we went at the baywalk to take a stroll. Syempre kailangan matunawan dahil sandamukal na hipon at alimango yung kinain namin. Idagdag pa yung nag lalakihang pusit.

 

"So, do you have plans on going back to Paris?" kuya started the conversation.

"For now, I'd prefer to rest. I mean, I just finished my course. I don't want to pressure myself to work. I've been deprived with social life in Paris. So I think that's the best for now. I have to bring back my social life first."

"That's fine. Isa pa, mukha namang hindi ka mahihirapan maghanap ng trabaho. Ikaw kasi yung hinahabol ng trabaho. Yabang." biro niya.

Umakbay sakin si kuya saka ginulo yung buhok ko. Seriously? What's with my hair? People keep on messing it.

Habang nag lalakad, na pansin ko na sobrang daming bata sa paligid. Hindi man sila mga gusgusin, mga walang tsinelas naman.

"I think, I just found my number one on my to-do list." I was suddenly ecstatic at the thought.

"What is that?"

"I'll cook for these kids." I smiled.

 

Tinawag ko yung isang bata. Kaso lahat sila lumapit. Mga nasa twenty na bata ang kasalukuyang pumapalibot sa akin.

"Hello. Ako nga pala si ate Railie niyo. Pero Rai na lang. As in parang a-'RAY'. Pogi ko ba?" kinindatan ko sila sabay pogi sign.

"Hala ate, maganda ka po. Hindi pogi." sagot ng isang bata.

Nag tawanan naman sila.

"Salamat. At dahil tinawag mo akong maganda, may sasabihin ako sa inyo." yumuko ako para ibulong sa kanila yung sasabihin ko. "Gusto niyo bang ipagluto ko kayo? Alam niyo ba isa akong chef?"

Nag si-talunan at palakpakan sila. Lahat naka ngiting tagumpay. Labas gilagid. Natawa ako sa itsura nila.

Surely, simple things can make this little children very happy.

"Basta secret lang natin ha?" bulong ko sa kanila.

 

Syempre mamaya pati mga lasingero maki-kain. Mahirap na.

 

"I'm so proud of you baby Rai." kuya patted my head.

 

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa kotse namin ng harangin ako ng isang bata.

"Ate Rai, para sayo." inabutan niya ako ng isang pirasong candy.

"Awe. Thank you." masaya kong inabot yung binibigay niya. Pagtapos non tumakbo na siya palayo.

 

Isang Fres candy na kulay red. Bumungad sa akin yung short message sa likod ng wrapper.

It says 'Good job'.

 

Nakakailang hakbang pa lang ako ng may lumapit ulit.

"Ate Rai, eto din para sayo."

 

Fres na naman. But this time, kulay blue. Just like the first one, I looked at the short message.

'I miss you'.

 

Nilingon ko yung mga bata. Kumaway ako para mag bye-bye.

 

Pagtalikod, may sumigaw. "Ate Rai wait! Last na. Para sayo." for the third time.

 

Fres na violet naman. And it says 'You're so special'.

 

Okay...

 

What's with the candies?

Itong mga batang to.

 

Nilingon ko sila ng may pagtataka. Lahat sila tumatawa habang nakatingin sa akin.

"Kuya anong meron? Why do I have this weird feeling?" tanong ko kay kuya.

 

"It's because he's here."

Comments & Reviews (25)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Goo Haraas Noona MI
Kim Myungsooas Trex Gil
Sung Yeolas Clyde Mi

Who's Reading

Recommended