IV

147K 5.2K 653
                                    

IV

Hindi pumasok si Lucci kinabukasan. Mukhang wala rin nakapansin sa pagkawala nya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi naman siguro sya namatay kahapon. Natakot ako sa naisip ko. Hindi naman siguro. 

Hindi ko kayang ipaliwanag kung ano ang naramdaman ko nang mawala sya sa harap ko. May parte sakin na nagluluksa pero hindi ko maintindihan kung bakit. Isa syang demonyo at tatlong tao na ang napatay nya. Dapat lang na matuwa ako dahil wala na sya hindi ba?

Pero bakit tingin ako ng tingin sa bakanteng upuan ni Lucci? Nasanay na akong palaging nararamdaman ang tingin nya sakin. Hinahanap hanap ko ba sya?

"Anna," tawag ko sa katabi ko "Nakita mo ba si Lucci sa campus?" tanong ko.

Binigyan nya ako ng nagtatakang tingin.

"Lucci? Sino 'yon?"

Doon ko lang nalaman kung bakit walang nakapansin sa pagkawala nya. Nabura na ang alaala nila tungkol kay Lucci. Kaya pala hindi tinawag ang pangalan nya sa roll call.

"W-Wala.." sagot ko nalang.

Tumingin ako sa bintana sa tabi ko. May nakita akong itim na ibon na nakadapo sa sanga ng puno. Pero hindi katulad dati, nag-iisa lang ang ibon na 'yon.

Natapos ang buong araw nang hindi ko nakikita ni anino nya. Umuwi na ako sa bahay. Wala sina Mama at Papa. Ngayon ang wedding anniversary nila kaya naman pumunta silang Palawan para mag-bakasyon sandali ng tatlong araw. Sa Lunes ang balik nila.

Nag-iisa lang pala ako ngayon sa bahay.

Bukas pa ang uwi ni kuya. Nasa hospital sila ngayon at naka-duty. Marami ang nasunog na bahay kagabi lang. Marami ang nasaktan at namatay sa sunog. Iniisip ko kung kagagawan ba yon ni Lucci. Hindi ba at galit sya sa mga mortal?

Humiga lang ako sa kama at tinitigan ang kisame. Yung babaeng pulis kahapon isa na rin sa mga pinaghahanap ngayon. Tatlo na silang nawawala. Naaawa ako sa pamilya nila pero ano'ng magagawa ko? Hindi ko talaga kayang pigilan ang isang demonyo. Muntik na akong mamatay nang subukan ko.

Naalala ko ang nangyari kahapon. Nalaglag ako sa building at iniligtas nya ako. Pero bakit?

At ano ang sinasabi nya na 'dahil sa mga mortal kaya nawala ako'? Kilala ko ba sya dati? May nabura ba akong alaala? Bakit parang kilala nya ako matagal na?

Yung mga panaginip ko. Ano ang kinalaman non kay Lucci? Hindi ko maintindihan kung bakit ko sya nakikita sa mga panaginip na 'yon.

Isasama nya ako sa mundo nya? Sa impyerno ba?

"Meow~" tumalon sa kama ko si Whiskey.

"Whiskey ano 'yon?" tanong ko. Hinimas ko ang kulay puting balahibo nya.

Tinitigan ako ng kulay asul nyang mga mata. Isa syang albino na pusa at hindi sya nakakarinig kaya naman nonsense kung kakausapin ko sya.

Reincarnation of LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon