Famous Five

2.2K 38 5
                                    

Alas-singko na ng hapon, dumiretso kaming magbabarkada (Ako, Cyrille, Mae, Veronica, Olivia at Raizen) dito sa bahay. Pinayagan na kasi ako ni Lola na magdala ng mga kaibigan e. hindi na siya strikto, HAHAHA. Sinabi ko kasing rason gagawa kami ng project sa Math, research sa English at investigatory project sa Science.

Kaya sinuggest ni Lola na dito na rin sila matulog, isang araw lang naman daw. AKALA NIYA KASI KASALI AKO SA HONOR STUDENTS. Eh sila Cyrille, Raizen at Veronica lang naman talaga.

Nang nasa kwarto na kami, agad-agad na isinalang ni Olivia ang CD sa player, movie marathon kasi kami, inihanda na nila Mae at Cyrille ang mga kakainin namin, at kami ni Veronica? Nagsibukasan na kami ng Laptop pero inopen ko muna ang WiFi. Si Raizen ay abala sa pangangalkal sa aking mga photo albums.

Manonood nanaman kami ng walang kamatayang One More Chance at My Amnesia Girl. Halos lahat kasi kami, inlove. Si Raizen, Mae at olivia na lang ata ang sawi at zero ang lovelife. Pero in fairness, bagay sila Olivia at Raizen. Slow lang talaga yang dalawang iyan, halata namang may gusto sila sa isa't isa. TSS!

Marami kaming dalang mga meryenda at pagkain. Dumaan pa kasi kami kanina sa 7-11 (seven-eleven) kaya bumili na rin kami ng mga pagkaen. Natatakot kasi KAMI kay Lola. Kahit madali siyang maloko, grabe yan magalit. Sagad sa buto kapag nakapagbitaw na siya ng mga salita.

One More Chance ang una naming pinanood.

"SHEETT! ANG GWAPO TALAGA NI JOHN LLOYD!!!" tili ni Mae. Pati si John Lloyd, pinagpapantasyahan. NBSB yang si Mae. Halos mabuo na ang isang libro sa rami ng pangalan ng mga pinagpapantasyahan at crush niya. Basta may gwapo kasi, feel niya Love na iyon. Pati yata si Brad Pitt, pinangarap niyang pakasalan.

"Mas gwapo ako!" sabat ni Raizen.

"ALAM NIYA!!!" sabay turo ni Cyrille sa akin.

LUMAKI ANG MATA KO (O.O)

Sabunutan ko na tong baklang ito e. nag-iba tuloy ang mood ni Olivia. Sabi sa inyo, may gusto talaga siya kay Raizen eh.

Kasalukuyan kaming tutok na tutok sa mga ginagawa namin. Nagsalita s Veronica ..

"Uy girl! May meet up jan sa malapit, pupunta ka?"

"OO, pero kailangan kasama ko kayo!"

Nagtinginan silang lahat. K! Out of place nanaman ako. Ano bang iniisip nila at parang may wifi sa mga utak nila, connected silang lahat. Ako labg ang hindi. ("-,-)

"Sige ba!" sabi ni Raizen.

"Akala ko ba hindi ka sasama?" tanong ko. Pambihira! Sabi niya hindi siya makakasama kasi hindi niya alam yang tumblr tumblr na iyan. Hindi daw siya interesado.

"Sasama ako! Gusto kong malaman kung ano yang Tumblr na yan! Baka mamaya fraternity pala yan o isang kind ng sorority! Ma-hazing pa kayo ng di oras!"

Nagtawanan naman kaming lahat. Nerd talaga to. Walang alam sa mga nangyayari sa mundo. Hindi updated. Puro kasi siya Music.

--

after naming magdinner, Pero hindi namin mahanap sila Olivia at Raizen. So tumaas na lang kami, at pagbukas namin ng door ..

Nandoon sila, nag-uusap. Nagkaroon tuloy ako ng idea, na baka may namamagitan na sa dalawang ito. Ayun, bagsak na ako kay Raizen. PLAN B na ako, Go for Rain. HUHU.

Nakahalata ata ang dalawa kaya naghiwalay sila ng posisyon. Kunwari nanonood si Olivia at si Raizen nahiga naman at yakap yung piglet kong stuffed toy.

" ♪♪ NANGHIHINAYANG 

NANGHIHINAYANG ANG PUSO KO. 

Sa piling koy lumuha ka lang 

Nasaktan lamang kita 

Hindi na sana 

Hindi na sana iniwan pa 

Iniwan kang nagiisa at nagdurusa 

Ako sanay patawarin na .. ♪♪"

Kumanta si Cyrille. Na-LSS yata sa kanta kanina sa One More Chance, yung part na dumating yung jeep na may ang lakas lakas ng stereo tapos nasa loob sila Basha at Popoy sa sasakyan habang naghihintay na umusad yung traffic.

Hindi naman angkop yung kanta niya sa nararamdaman ko, haha. Pero oo, nanghihinayang ako. Sabi niya kasi bakla siya, peri bakit ngayon? Parang may something sila ni Olivia

.

Hindi, hindi ako nagseselos. Pero bakit ganun? Nagsisinungaling ba siya or ako lang talaga yung nagiisip ng iba. Nevermind na lang..

Nag-ayos na kami kung saan kami pepwesto para sa pagtulog namin. First come, first serve daw. HMP! So, nauna sila Olivia, Veronica at Cyrille sa kama. At Ako, si Raizen at Mae sa sahig. AWKWARD -,-

So nakaayos na kami, at nakasalang na rin ang My amnesia Girl sa player. Nanonood na kami. Tumayo ako, para patayin ang ilaw.

Ayoko manood. Lagi ko na lang napapanood yan sa Cinema One, kaya naglaptop na lang ako. Titignan ko yung Group namin sa Facebook, baka nag-update nanaman yung mga epal kong kaklase. Titignan ko rin yung Tumblr ko.

May 5 TAs ako. 

Yung apat ay galing sa mga tumblr friends ko, at yung isa kay Rain ..

"Hey Bave! Pupunta ka na talaga sa TuMU? Wear black t-shirt ha?"

Bakit naman kaya black? Anong meaning ng black? Well, susundin ko na lang. Baka yun ang palatandaan ng mga pupunta sa Meet-Up. Naalala ko yung pinakamaganda kong Black T-Shirt. Long sleeves shirt yun, na may Fujimoto na nakaprint sa likod. Bigay pa iyon ni papa e nung umuwi siya dito.

Sumisilip si Raizen sa ginagawa ko sa laptop, at hindi na yata nakatiis. Tumabi sa akin, at kinausap ako ..

"Yan ba yung Tumblr? Ano yan? Chat?" turo niya.

"Hindi, TA to. Tumblr Ask. Parang Direct Message ganun."

"Oh! I see. Can I sign up din jan sa Tumblr? Ano bang ginagawa jan? May bayad ba yan? Parang Facebook rin ba yan?" tanong niya. Curious na curious ang mukha. Parang mangmang e.

"Okay lang. Umm, blogging site ito. Magpopost ka ng mga nasa isip mo, either experiences mo or opinions. Obviously, walang bayad! tange!" Hahaha. Sabay tawa ako.

Tutok na tutok naman yung mga kasama namin sa TV. Kinikilig kay Apollo, lalo na tong si Mae.

Hindi ko alam kung kakausapin pa ba ako ni Raizen o makikipagtextan na lang. Ibato ko yang iPhone niya sa pagmumukha niya e. ee, ano ba tong nararamdaman ko. :/ BITTER,

Tumblr Love Story: Si kuya FAMOUS. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon