CHAPTER 184

2.3M 57.2K 203K
                                    

DEIB'S POV

SAMPUNG MINUTO akong late nang makarating sa klase nang sumunod na araw.

Nagtama ang paningin namin ni Eerah Anitha bago pa man ako makaupo sa silya. Napabuntong-hininga ako at napatitig sa likuran niya bago nakinig sa klase. Dahil late, nahirapan akong sumunod sa discussion. Tuloy ay hindi gano'n kataas ang nakuha kong score sa quiz. Sa inis ay hinanap ko sa libro ang mga maling sagot ko.

Pero hindi matuon sa pagbabasa ang isip ko. Sinulyapan ko ang mga lalaki kong kaklase. Panay ang tawanan nila kasama si Eerah Anitha.

"Dapat ay wala rin tayong klase," anang isa sa mga 'yon.

"Well, mas gusto kong may pasok," nakangiting ani Eerah Anitha. "Wala rin namang interesting gawin sa bahay," inikot-ikot niya sa daliri ang maikling buhok na malapit sa kaniyang pisngi.

"Eh, di gumala tayo kapag walang klase?" parang may pinapakahulugan ang lalaki.

"Saan naman ang punta natin?" nakangiti na tanong ni Eerah Anitha, nagpapanggap na inosente.

"Maraming pub dito."

"Oh, I like that."

"So, ano, trip mo ba? Tayo-tayo lang naman, eh."

"Sure! Kailan 'yan?"

"We can go after class."

"Maaga ang pasok natin bukas, 'di ba?"

"Pwede rin namang um-absent, hahaha! Just kidding. Hindi naman tayo magtatagal. Tamang chill lang!"

"Okay, fine. I'll see you later, then!"

"Talagang sasama ka, Eerah?"

"Of course, why not?" nakangiting tugon nito.

"Yeah!" nakipag-apir ang lalaking 'yon sa kasama 'tsaka muling bumaling sa babae. "I'll pick you up later."

"Sure!" malanding ani Eerah Anitha 'tsaka tinalikuran ang mga 'to.

Ngunit agad siyang natigilan nang ako naman ang makaharap niya. Sandali siyang tumitig nang may pagtataka. Saka ngumiti. "Do you want to join us?"

"Huh?" sinikap kong 'wag mautal.

"I know you were listening," ngumisi siya.

"Hindi ko sinasadyang marinig," nag-iwas ako ng tingin.

"You can come," aniya, lalong lumapit. "Sandali lang naman tayo. Pwede kang sumama. Unless...may date ka?" sarkastikong dagdag niya. "Baka sunduin ka ng girlfriend mo at ihatid sa bahay ninyo."Napapahiya akong nag-iwas ng tingin. "Hindi ba't gano'n naman ang papel sa 'yo ng girlfriend mo? Ikaw," muli siyang humakbang papalapit. "You're welcome to come with us. You know how and where to call me," tinapunan niya ako nang malanding kindat bago nilampasan.

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam. Para bang naiilang ako ngunit kaya ko siyang harapin. Nahihiya ako sa presensya niya ngunit wala sa loob ko ang umiwas.

Lalong hindi ko maipaliwanag kung bakit naiinis ako dahil gano'n na lang kadali para sa mga lalaking iyon na mapapayag siyang sumama.

May asawa na siya, hindi ba? Tch! Bakit pa siya sasama sa mga 'yon? Malandi talaga.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon