Chapter 5

92 10 6
                                    

-Chapter 5-

Mag-tatatlong araw ko nang hindi pinapansin at iniiwasan si Blake sa facebook. Kapag nag-oonline ako at kapag nakikita kong online din siya nagaa-out agad ako. Minsan nung online siya in-off ko ‘yung chat ko sa kanya para kahit online ako, offline ang nakikita niya sa name ko. Ewan kasi pero natatakot yata ako sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit.

“Uy bruha, busy ka?” tanong sa’kin ni ate Nique habang nasa classroom kami. 

“Hindi naman ate. Bakit?” balik-tanong ko din sa kanya. Nagddrawing lang naman ako ng kung ano-ano. Doodle yata tawag dito eh. Wala kasi akong magawa. Vacant time namin. Dalawang oras na walang ginagawa. Kaburo.

“Kinausap ako ni Blake MO. Galit ka daw ba sa kanya?”

Napatingin naman ako kay ate Nique at hindi ko maiwasang sumimangot dahil sa pangalang nabanggit niya. 

“Anong Blake ko? Di ko siya pagmamay-ari ate,” sagot ko at binalik ko na ang atensyon sa pagdo-doodle.

“Sus! ‘O siya, sabi mo eh. Pero galit ka ba daw sa kanya?”

“Hindi,” matipid kong sagot.

“Eh ba’t di mo siya pinapansin at parang iniiwasan mo siya?” tanong ulit ni ate sa’kin.

“Hindi naman po,” tanggi ko pa din.

“Hindi daw, eh bakit last time online ka pagkatapos nagcha-chat pa tayo pero sabi ni Blake sa’kin offline ka daw? Aminin mo nga sa’kin Reine Jiane, nag-offline ka sa chat niya ‘no?parahindi ka niya guluhin,” lintiyada ni ate Nique sa’kin.

“Hin---“

“Huli ka na teh. Ba’t ba kasi iniiwasan mo si Blake? Alam mo nakausap ko siya at nararamdaman ko namang hindi ka niya pinagttripan.”

“Nanttrip lang po ‘yun. Believe me.”

“I don’t think so. Nararamdaman kong sincere siya sa’yo”

“Ate Nique pwede change topic tayo?”

“Alam mo Reine kunti na lang talaga maiinis na ako sayo”

“Waaa! Bakit naman ate?”

“Pinapalampas mo kasi ang pagkakataon na makilala mo ‘yung right guy para sa’yo.”

“Ate naman eh. It’s just...hay naku, change topic na lang talaga tayo ate.”

 

 “Hay naku din Reine. Alam mo kung hindi lang siguro kita kilala kanina pa kita nabatukan”

“Wag ate. Masakit po yun.”

“Mabuti ‘yun at nang matauhan ka. Alam mo Reine alam ko naman kung bakit ka nagkakaganyan eh. Makinig ka sa’kin ng mabuti ha? Hindi lahat ng lalaki pare-pareho. Hindi lahat ng lalaki tulad ng naging boyfriend ko at ni Meijei. Hindi lahat sila manloloko. Meron pa din namang matitino at sa tingin ko isa dun si Blake.”

The REAL Him.ON-GOING.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon