Kabanata XXI. The TRANFEREES

14.2K 262 14
                                    

Zai's PoV

Natapos na ang buwan ng Hunyo. Panibagong buwan ang parating. Sa nakalipas na araw ay natutunan na rin namin mag-adjust ni Hope sa hideout bilang aming tahanan. Naging maayos ang paglipat namin doon. Kaonti man ang gamit ay sapat lang sa mga pangangailangan namin sa pang-araw araw. Maging si Charity ay nagpumilit ding tumira doon. Kaya naman ngayon ay tatlo kami. Kasama ko ang magpinsan. At sa ngayon ay maayos ang paninirahan namin. Tipid man ay nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw.

Tungkol naman sa nangyari nung Acquaintance ay wala pa rin silang maiturong suspect kung sino ang namaril. At hanggang ngayon nga ay nag-iimbestiga pa rin ang school patungkol sa nangyari. Mahirap ng alamin ang bagay na iyon. Ilang araw na rin silang nag-iimbestiga ay wala pa ring nararating. Lumipas na nga lang ang pangyayaring iyon sa mga estudyante. At sinabing baka daw may nan-trip lang dahil Acquaintance party noon.

"Zai ang astig talaga ni thunder. Elibs ako! Gusto ko rin ng kagaya nya." si Hope yan. Ang tinutukoy nya ay ang bago kong motor.

Hindi ako lumingon o sumagot manlang sa kanya.

"Uy Zai bibili din ako ng kagaya ni thunder ha.. Pretty please." sabi nya ng nakanguso at magkadaop ang mga palad. Tsk. How annoying.

"Bahala ka." naiiritang sabi ko.

"Waaa! Talaga? Sabi mo yan ah. Yiee! Ano kaya ipapangalan ko don sa magiging motor ko? hmm."

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa silid-aralan. Habang si Hope malalim ang iniisip. Siguro pinag iisipan na nya kung ano ipapangalan nya sa bibilhin pa lang nyang motor.

Maya maya'y nagsalita na rin sya, "Zai, pwede bang maging kapatid ni Thunder si Shadow?" tanong ni Hope habang naglalakad pa rin kami.

"Shadow?" takhang tanong ko habang diretsong naglalakad sukbit sa isang balikat lamang ang itim na backpack habang nakapamulsa ang isang kamay.

"Oo, si Shadow. Ang bago kong motor." nakangiting aniya na bahagya pang hinarangan ang dadaanan ko.

"Tsk. Wala pa nga may pangalan na." bulong ko.

Pero sadyang malakas ang pandinig ni Hope. "Oo, ganun talaga. Galing ko noh nakaisip ako agad. Ganda ba?" tanong nya habang nakabaling sa akin at nakangiti.

"Tsk." yun lang at nagtuloy na ko sa paglalakad.

Ngunit.. "Araaaaaay!" bigla kaming napahinto ni Hope sa paglalakad ng marinig namin ang sigaw ng isang babae. Nakadapa sya sa sahig at nagkalat na ang mga librong dala nya.

"Zai kawawa naman yung babae, mukhang high school palang." si Hope yan at balak sanang lapitan yung babae ngunit pinigilan ko sya at hinawakan sa braso.

"Ako na." usal ko sa mahinahong boses. At marahang naglakad papalapit sa nagkukumpulan na ngayong mga estudyante. Ayokong madamay sa gulo si Hope o sino man sa mga kaibigan ko hanggat maaari.

"Ha! Haharang harang ka kasi sa daan."

"Tama! At napaka-slow pa ng isang yan friend!"

"Balita ko nga. At ang sabi pa'y babagsakin na daw ang mga grades nyan." Kanya kanyang bato ng mga salita ang tatlong babae pa na sa tingin ko ay mga college na din kagaya namin ni Hope. Madadaanan namin ang High School department patungo sa building namin.

"Tabi! Andyan na ang maangas at astig na si Zai baka mahawa tayo!"

"Oo nga! Mukhang makikigulo din sya. Tignan natin ang laban nya kila Ivory."

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon