Chapter 19.1.2

339K 6.6K 622
  • Dedicated kay Sel Loberanes Matiga
                                    

CHAPTER 19.1.2

Jordan

Maaga pa lang ay naglilinis na ako sa opisina ni Ty. Gusto ko sanang tumutol kay Sir Martin nang sabihin niyang ako ang naka-assigned sa opisina niya, pero alam kong wala naman akong karapatang tumanggi. Ginagawa man niya ito on purpose ay wala pa rin akong karapatang kuwestiyunin siya. Tulad nang hindi niya pagkuwestiyon sa pag-alis ko three years ago. At kahit gustuhin ko mang magpaliwanag, siguro nga ay mas makakabuti kung ganito na lang.. Mas mainam na hindi na lang niya alam ang rason at mamuhi na lang siya sa akin, para hindi na siya lumapit pa sa akin. Ang kapal din naman ng mukha kong isiping lalapit pa siya ngayong sila na ni Tiffany. May kung anong gumuhit na sakit sa dibdib ko nang maalala ang nakita kong eksena nila ni Tiff. Wala akong karapatang magselos. Ako rin naman ang may gusto nito. Hoping pa ba akong hindi pa siya magmamahal nang iba? Come on, Jorge. Nangangarap ka na naman!

Pero halos mapatalon ako nang bigla na lang bumalibag ang pinto ng opisina at nasalubong ko agad ang nagdidilim na mga mata ni Ty na nakatitig sa akin. Tangna. Anong oras na ba?! Pero maaga pa... seven o'clock pa lang nang umaga.

"S-sir, good m-morning..." Wala ako sa sariling lumunok nang mapagmasdan na naman ang gwapo niyang mukha. Mariin kong kinagat ang aking labi dahil sa emosyong namamahay sa aking dibdib. Tangna namang pagmamahal 'to! Bakit ba hindi ko siya magawang kalimutan?

"Aren't you done, Ms. Gonzales?" nakakunot-noo pang tanong niya habang dahan-dahang humahakbang palapit sa kinalalagyan ko.

Napadiretso ako nang tayo at bahagyang inayos ang royal blue kong uniform.

"M-malapit na po, S-sir. H-hindi ko po alam na maaga kayong d-darating. S-sorry p-po." Tangna, Jorge, idiretso mo dila mo!

"Hmm..." Mataman siyang tumitig sa akin at agad naman akong nag-iwas nang tingin. Kumakalabog nang husto ang puso ko at pakiramdam ko ay naririnig niya iyon. "Nervous?" nakangisi pang tanong niya sabay umismid.

Napalunok ako at nagkunwaring wala lang. Pero amoy na amoy ko ang mabangong katawan niya at parang gusto kong malasing nang wala sa oras. My God, I missed him so much!

"I-I'm sorry, Ty-- S-sir..." Iyon na lang ang nagawa kong sabihin. Alam kong nasaktan ko siya nang sobra-sobra.

"Don't think so highly of yourself, Jordan. You mean nothing to me anymore," malamig na utas niya at matalim na tumitig sa akin. "Whatever your reason is, I think it's most favorable on my part." Ang bawat salita niya ay nanunuot nang buong-buo sa aking sistema. Para akong hinihiwa nang unti-unti sa sakit dahil sa bigat ng mga salita niya. I hurt him and he has every right to hurt me too.

Pinigilan kong umiyak, pero tinaraydor ako ng sarili kong mga mata. Tangna, Jorge. Ginusto mo 'to! Nararapat lang na tanggapin mo anuman ang sabihin ni Ty ngayon!

Umismid lang siya nang makitang may tumulong luha sa aking mga mata.

"Don't waste your tears for nothing, Jordan. I'll just grab some breakfast and hope you'll be done when I get back," malamig pa rin niyang sabi at nagwalk-out na sa opisina.

Nagpatuloy ang pag-agos ang aking luha na akala mo wala nang bukas. Akala ko, madali lang... pero akala ko lang pala 'yun. Akala ko lang.

Hindi naging madali ang mga sumunod na araw sa amin ni Ty. Alam kong nahihirapan siyang magkasama kami. Palagi na lang siyang nagsusungit at hindi talaga maiwasang madamay ang ibang tao dahil sa mga inaasal niya. Dagdag na rin siguro ang pressure na bumababa nang husto ang sales ng mga records nila dahil sa mga pirata. Hindi ko man lang makita ang ngiti niyang sobrang hinahanap-hanap ko. Asa mode na naman ba ako? Haist, kailangan ko na talagang makaalis at baka kapag nagtagal ay masesante ang lahat ng mga empleyado rito dahil sa akin!

Pagsapit ng six o'clock nang hapon ay nakatapos na rin ako sa paglilinis sa finance. Wala nang katao-tao sa opisina at nag-iisa na lang ako sa buong second floor. Siguro naman nakauwi na si Ty. Lately kasi ay nagpapagabi na talaga ako sa paglilinis para hindi ko na masira pa ang araw niya. Tutal naman stay-in rin naman ako sa building na 'to. Plano ko talaga sana kumuha na nang mas maayos na matitirhan kaya nga lang ay mukhang mapupurnada pa at kailangan ko na talaga mabayaran ang P20,000.00 na loan ko para makaalis dito. Nawala na rin sa plano ko ang magpatuloy ng pag-aaral sa college dahil nahihirapan talaga akong makaipon. Talaga yatang wala akong suwerte sa buhay.

"Ms. Gonzales!" Napatalon ako sa sobrang gulat. Kulang na lang ay malaglag ang puso ko sa sobrang kaba.

"S-sir..." Alanganin akong bumaling kay Ty dahil natatakot ako sa possible niyang sabihin.

"My office is a mess. I hope you have plans to clean it up," pasupladong sabi niya at nananatiling nakakunot na naman ang kanyang noo. Kailan ko kaya makikita ang masayang ngiti niya? Malabo nga siguro. Hindi ko siya makikitang masaya habang nakikita pa niya ako.

"After n'yo po makaalis, Sir," kaswal namang sagot ko, pero hindi ko pa rin magawang tumitig sa mukha niya.

"Mamay Jorge!"

Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.

"Giro?" Matamis akong napangiti sa isang nilalang na nagpapaganda nang araw ko. Sinalubong ko ang mahigpit niyang yakap at hinalikan ito sa pisngi. "Anong ginagawa mo rito, huh?"

"Namimiss ka na raw niya kaya dumaan kami rito," nakangiting sagot naman ni Isaac. "Ngayon ka pa lang ba naglilinis? Nagpapagabi ka naman ata mas-" Agad din siyang natigilan at ako man ay nawala sa sariling nandito nga pala si Ty.

"Sir!" Namutla si Isaac sa pagkakita sa nakasimangot na mukha ni Ty. Hindi pala niya napansin dahil nakakubli ito sa malaking poste ng building. "Good e-evening po..." Sinulyapan ako ni Isaac na para bang sinasabing bakit-'di-mo-sinabi-na-nandito-siya!

"You have a son?" kunot-noo pang tanong ni Ty sa akin at ang mga mata niya'y halos mag-apoy sa galit.

"Y-yes..." Bahagya akong tumango at napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Giro.

"Mamay, sino siya?" inosenteng tanong pa ni Giro habang matamang nakatitig kay Ty.

"Boss namin siya Giro. Batiin mo siya," alanganing sabi ko pa at bahagyang bumaling kay Ty na sobra ang pagtitig kay Giro.

"Magandang gabi po," nakangiting bati naman ni Giro.

Pero hindi sumagot si Ty. Sa halip ay ako ang tinitigan niya nang matalim bago nagsalita.

"I can't fuckin' believe you!" Padabog pa siyang umalis at nakita kong sumakay ulit siya sa elevator paakyat sa office niya.

Wait, nagagalit ba siya o... nagseselos?



********

Dear Angels/ Readers,

Sa Wednesday po ay try ko na i-post ang TAMING A CASANOVA.  Medyo spoiler siya sa CBTG pero keber haha.  I love Dalton Ace kasi haha. Sana po ma-enjoy nyo rin siya. Maraming thanks po.

At sa mga kapwa ko bitter daw, lol XD  kain pa tayo more ampalaya tapos bonding tayo wahahaha! Nah, ok lang yan.  Ipagpatawad po mood ko the other day.  Challenge po talaga ang maging mabuting tao kapag naaapakan but I'd rather be challenged kesa po ako ang mang-apak sa kapwa ko.

Love u guys!  ingat po sa bagyo.  Pray tayo kay Papa God.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon