Chapter 13.1.2

491K 7.8K 442
                                    

#CBTG

#JorTy

#HaranangJordanStyle

********

CHAPTER 13.1.2


Jordan

Aish! Ang tanga-tanga mo talaga Jorge! Simula nang magwalk-out si Tyrone noong gabing 'yun, kahit isang beses ay hindi na siya nag-text. At kahit tawagan ko siya ay dedma talaga siya. Kung bakit kasi hindi ko mapigil ang magpaka-nega! Hinalikan na nga niya ako sa harapan ni Tiffany, hindi pa ba sapat 'yun?! Haist, tanga ko talaga!

Ngayong nandito ako sa canteen at hinihintay ang pagdating niya, nang makita naman niya ako ay para lang siyang walang nakita. Honestly, nasaktan ako sa ginawa niyang hindi pagpansin sa akin. Ganoon pala ang pakiramdam na binalewala lang. Pero alam ko namang kasalanan ko. Hindi ko lang talaga maiwasan ang masaktan kasi mahal ko naman siya, e.

"Jorge!" Si Chance na sumimple pa nang lapit sa akin.

"Uy," matamlay namang bati ko sa kanya.

"Hindi naman sa nakikialam ako, pero may problema ba kayo ni Ty? Parang hindi kayo nagpapansinang dalawa, e."

"Kasalanan ko naman..." Napatingin lang ako sa gawi niya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin, pero agad din siyang nag-iwas nang tingin. "Sinabihan ko kasi siyang sinungaling."

"Huh? Enlighten me, please." Kumunot pa siya.

Saglit kong ikinuwento sa kanya ang nangyari noong gabi at iiling-iling lang siyang napasandal sa may counter at tumingin sa gawi ni Ty na seryoso pa rin doon sa kinauupuan nila.

"You pissed him, Jorge. You really pissed him off." Nakukuha pa talagang matawa ng gago! Hirap na hirap na nga ang kalooban ko!

"Ano bang dapat kong gawin?" Tangna, desperate na ako. Hindi ko kayang hindi niya ako pinapansin. Parang gusto ko nang maiyak, e!

"Ty loves you, Jorge. All you need to do is apologize." Nagkibit-balikat pa siya. "And yeah, a little effort maybe... 'coz the way he looks right now, he's really not in the mood for anything."

Napabuntong-hininga lang ako sa sinabi niya. Anong effort? Haist, kasi naman, Jorge!

"Wait, gitara ba 'yung dala mo?"

"Huh?" Napakunot-noo lang si Chance sa akin at bahagyang tumango. "Yeah, why?" nagtataka pang tanong niya.

"Puwede ko bang hiramin ang gitara mo?"

"Wait—" nangingiti pang sabi niya. "Gagayahin mo ba ang ginawa niya noon for you? Are you going to serenade him too, huh?"

"Kahiya-hiya man 'to, Chance." Kinagat ko ang aking labi dahil sa sobrang kaba hindi pa man. Actually, may talent naman ako sa pagkanta, pero hindi ko nga lang sineseryoso dahil palaging abala ako sa trabaho. Pero handa akong gawin lahat para pansinin na ulit ako ng Mahal ko. Kahit ano, gagawin ko.

"Wait, I'll get my guitar. This would be fun!" excited pang sabi niya at agad ngang kinuha muna panandali ang guitar niya sa kinalalagyan nila Ty. Tamang napakunot-noo lang si Ty at parang may sinabi, pero mas lalo lang siyang sumimangot.

"Are you sure about this, Jorge?" Ngiting-ngiti pang iniabot ni Chance ang kanyang guitar sa akin.

"O-oo..." Tangna, matatae yata ako sa kaba!

Matamang nakatitig lang si Chance sa akin habang unti-unti kong tinitipa ang gitara. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakahawak nito, pero kabisado ko pa naman siguro. Mabuti na lang din at halos wala pang estudyante, pero gayonpaman ay nakakakaba pa rin! Bahala na! Haist!

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon