Chapter 11.3.4

527K 7.8K 198
                                    

#JorTyLandian

#JorTy

#CBTG

********

CHAPTER 11.3.4

TYRONE's POV

And as expected, gulat na gulat siya nang hindi ko siya inihinto sa condo ni Cary!

"Loko ka talaga! Pagagalitan ako ni Cary! Pasaway!" iiling-iling pang sabi niya habang ipinapasok ko na ang sasakyan sa parking lot ng condo unit na tinutuluyan ko.

"I missed being with you, Mahal ko, kaya 'wag ka na magreklamo, okay?"

"May magagawa pa ba ako?" Umirap lang siya at sabay na kaming bumaba sa sasakyan.

Agad rin kaming sumakay sa elevator patungo sa top floor. Medyo nakakaramdam na ako ng exhaustion, pero hindi ko lang ipinapahalata sa kanya. Paano pa kaya gagana nang maayos ang utak ko mamaya?

Hindi naman din nagtagal ay nakarating na rin kami sa suite at tulad pa rin nang inaasahan ko ay hindi siya makapaniwala nang makita ang mga kagrupo ko. Ganoon din naman ang nagging reaction nila sa pagkakita kay Jordan.

"Ty, ano bang ginawa mo?!" madiin pang tanong ni Jordan. Ooops... mukhang napikon yata. Namumula ang kanyang pisngi at matalim ang pagtitig sa akin.

"What is she doing here?" Kunot-noo pa si Tarah at bahagyang lumapit sa amin.

"Am I not allowed to bring my girlfriend in my own suite, hmm?" sarcastic na sagot ko. I really hate it when she's acting like a girlfriend.

Natahimik lang naman din siya sa sinabi ko. Hinila ko ang nananahimik ding si Jordan papasok sa kwarto ko. Wala na rin naman akong narinig na kumibo sa kanila, which was good, dahil kung may kumontra ay papalayasin ko silang lahat nang wala sa oras.

"My God, Ty! Bakit mo ako dinala rito?! Nandito pa pala ang mga ka-grupo mo sa school! Nakakahiya!" Pabalik-balik pa siyang nagmartsa sa aking harapan. Parang kulang na lang ay sigawan ako sa inis. Damn, mali bang gusto ko siyang makasama?

"I just want to be with you, you know—" Shit. Mali nga ba ang ginawa ko?

"Mali pa rin na dinala mo ako rito!" inis pang aniya at padabog na naupo sa bed. Nagalit ko pa yata...

"S-sorry..." I took a deep sighed. "We'll try to finish our project tonight. Hindi kita tatabihan dito if that will make you comfortable. I just want to be with you..."

Mariin siyang napapikit at halatang inis na inis pa rin. Fuck, Ty! What have you done? Lalabas na sana ako para bigyan siya ng space nang tawagin niya ako.

"Ty..." Bahagya pa akong pumaling paharap sa kanya. "I'm sorry..." medyo kalmado rin naman niyang sabi.

Mapait lang akong ngumiti.

"Have a good night sleep, Mahal ko," pagkasabi noon at agad ko na ring kinabig ang pinto pasara. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Mukhang hindi na nga ako nakakapag-isip nang tama dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Ngayon lang naman ako nagkaganito sa babae, so, I really didn't have any idea if I was crossing the line or what.

Paglabas ko sa kwarto ay naki-join na rin naman ako sa kanila. We really needed to finish everything and I wanted to sleep longer. I felt like anytime soon ay bibigay na ang katawan ko sa puyat.

"Nagli-live in na ba kayo?" walang preno pang tanong ni Tarah na nakapagpatikhim sa akin.

"It's none of your fucking business, Tarah," pasupladong sagot ko habang ang iba'y nananainga sa amin.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon