Chapter 10.1.4

699K 8.8K 402
                                    

#JorTyLQAgad

********

CHAPTER 10.1.4

Jordan

Ang bakasyon namin sa Coron ang pinakamasayang bakasyon ko sa buong buhay ko. Sino ba namang hindi magiging masaya d'un? Umamin si Ty sa feelings niya para sa akin. At sa dalawang araw na pananatili namin doon ay talagang hindi na niya ako hiniwalayan. Ipinakilala na rin niya ako nang pormal sa parents niya bilang girlfriend niya. Wala naman akong nakitang kakaibang reaksyon mula sa kanila. Ang bait talaga ng parents niya. Si Tarah naman ay nauna nang umalis kasama ng mga bisugong alipores niya. Alam ko namang na-hurt siya sa ginawa ni Ty, pero hindi rin naman niya puwedeng pilitin ang Mahal ko kung ayaw naman talaga sa kanya. Mahal ko... Tangna, 'di mamatay matay ang kilig ko kapag tinatawag niya ako nang gan'un.

Sina Chance at Kirsten naman ay hindi na rin mapaghiwalay. Simula nang magkaaminan sila, ang siraulong si Chance ay bantay sarado na talaga. Kung sabagay, 'dun sila nagkakahawig ni Tyrone. Ramdam kong mahal ako ni Ty. At sa mga mata pa lang niya, ramdam ko na lahat.

Ngayon nga ay nandito ako sa canteen at as usual dakilang serbidora na naman ang peg ko. Natawanan ko sina Tarah at ang mga bisugong alipores sa paboritong spot nila na patingin-tingin sa gawi ko. Hindi na ako magtataka kung ako ang pinag-uusapan nila dahil paniguradong ikinalat na nila ang tungkol sa amin ni Ty. Para kasing kakaiba ang tingin sa akin ng mga estudyante rito, parang may something. Haist, plastic ako kung sasabihin kong hindi ako nag-aalala. What if 'di naman ako talagang gusto ni Ty? What if pinagpustahan lang din nila ako tulad nang ginagawa ng mga mayayamang anak sa mga napapanood ko sa pelikula at nababasa sa mga sikat na pocketbook? What if gusto lang niya makuha ang pagka-birhen ko? Hindi naman malayo 'yun kasi sa hitsura ni Ty, sino ba namang babae ang tatanggi sa kanya? Aish! ang dami ko yatang masyadong iniisip.

"Jorge!" Si Chance na nangunguna pa sa pagpasok sa canteen kasunod ang mga kabarkada niyang sina Vaughn at Dalton. Nasa likuran naman si Ty na agad kong nasalubong ang titig at parang gustong malaglag ng panty ko sa titig pa lang. Ang halay ko lang!

"Uy!" Ganting bati ko naman sa kanya. And as expected, halos lahat ng mga mata ay nasa amin na naman. Sikat talaga sila rito sa school dahil pagsama-samahin ba naman ang mga gwapo? Ewan ko lang kung 'di ka rin mapatitig!

"Same orders lang ulit, huh," nakangiting sabi pa niya sabay abot ng card sa akin. Sila lang yata ni Ty ang halinhinan sa pagbabayad sa mga kinakain nila.

"Oo ba!" Sagot ko naman kahit na ang mga mata ko ay nakatutok lang sa mapupungay na mga mata ni Ty na nakatitig din sa akin. Wala ako sa sariling kinagat ang aking labi nang maalala ko na naman ang ka-sweetan niya sa akin noong nasa Coron kami. At sa tingin ko, mas lalo siyang gumuwapo dahil sa bahagyang pamumula ng balat niya dahil sa pagbababad namin sa dagat noon.

"Hi, Jorge!" halos sabay na bati naman sa akin nina Dalton at Vaughn.

Tumango lang ako sa kanila at naupo na sila sa paboritong spot din nila.

"Hi, Jorge, girl." Si Terrence na tila nanunukso rin ang ngiti.

"Hi," nahihiya namang balik bati ko rin sa kanya. Hindi ko pa rin naman masabing close ako sa kanila at si Chance lang naman talaga ang nakakausap ko.

Pagbawi ko nang tingin sa kanila ay agad ko ulit nasalubong ang mga mata ni Ty na nakatitig pa rin pala sa akin.

"Mahal ko," mahinang sambit pa niya sabay yuko at hinalikan ako sa labi. Anak ng bakang dalaga! Agad na nag-init ang aking pisngi at marahas ko siyang naitulak palayo.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon