Chapter 29.2 - You ♥

67K 1.2K 506
                                    

Okie so eto na!!! BASAHIN NIYO YUNG AUTHORS NOTE! XD baka sa sobrang excitement hindi niyo na to binasa ahh......

So sa story eepal yung BOLD LETTERS para i-exlain sa inyo yung mga kaganapan ha :)) ok so eto na,

'=============================================

Khiara's POV

"Ito na ang araw na sasagutin ko ang isa sa kanila, buo na ang desisyon ko siya na talaga ang mahal ko! Para san naman diba pinagsamahan namin? All those times nadevelop na ako sa kanya"

"Che ang drama mo teh! may panis na laway pa ehh, pwede lumayas ka na dyan sa kama? May laakd pa tayo! Iiwan kita jan! Ano ka? Nasa movie may pa monologue ka pang nalalaman eh" nasa pinto na si Zhane inaantay ako sa labas.

"Teka lang pwede ba? Tsaka ang aga pa ehh, nagmomoment pa ako dito tapos eepal ka? Ano bayan Zhane" bumangon na ako at pinagtulakan si Zhane palabas ng kwarto.

"Mag-intay ka dyan bababa na ako" sigaw ko "Kung di ka aalis hihingahan kita ng morning breath!" banta ko

"Sige kukulitin ko muna si Red mwehehe" narinig kong sigaw din ni Zhane

Kahit kelan nabubuhay siya para kulitin ako. So ito na talaga sasagutin ko na siya ngayon. Sino yung siya? Malalaman niyo mamaya.

"Zhane oh Zhane lika lusubin na natin ang mall, Red babalik kami mamayang 12 tapos punta tayo kayna Cyrus tatapusin na natin ang lahat" I smiled

Lumabas na kami ni Zhane nakasakay kami sa Black Sportscar ni Zhane na my red crescent moon sa unahan bilang palatandaan na siya si Red Night. Nababankrupt na sila sa lagay na 'to pero afford pa din  yung mga ganitong luho.

"Khiara sino ba sasagutn mo sa kanila?" malapit na kmai sa mall nung tinanong ako ni Zhane

"Mamayang tanghali malalaman mo, para sabay-sabay kayo"

"Oh sige! Na-eexcite na tuloy ako!!! Hihihihhi" sabi ni Zhane

Nagkukwentuhan lang kami pagdating sa mall........

"Khiara eto na lang black na dress"

"Zhane may lamay?"

"Oo paglalamayan yung hindi mo sasagutin.  Arte ha! Hmmp ito na lang orange"

"Inmate Khiara?"

"Err itong brown"

"Magmumukha akong 55 jan!" giit ko

"Etong pink?" 

"Mukha naman akong 8 years old"

"Ehh itong blue?"

"Nah masyadong dark"

"Itong aqua blue?"

"Masyadong plain at light"

"Andamig hanash ha. Itong beige?"

"Mahaba masyado ehh"

"Itong green?"

"Masyadong maikli"

"AYYY BWISIT KA KHIARA! ANDAMI KO NANG SUGGESTIONS NIREJECT MO LANG!!!"

"Like duh, sino ba kasi nagsabi na ihanap mo ako"

"Sige bahala ka muna jan hahanap ako ng akin" at ayun iniwan ako

Naglibot pa ako sa ilang boutiques at nahanap ang bagay na outfit. Isang white top na may black leather jacket shorts at knee high boots.

"Ate ito po"

Matapos kong bilhin iyon nagtagpo kami ni Zhane sa fountain sa plaza at umuwi na.

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon