LIBRARY

121K 2.5K 2.2K

Based on a True Story.

May isang Freshman na college girl na madalas nagpupunta sa library. 

Mahilig kasi siya magbasa. Kaya doon na siya tumatambay at nagpapalipas oras dahil wala naman siyang ginagawa sa bahay.

Mag 1 week na siyang madalas sa library. At sa tuwing pupunta siya sa library, Parati niya na lang napapansin ang isang babae sa may sulok ng library. Nakaupo lang ito sa lapag tapos parang nagbabasa ng libro. Hindi niya na lang ito pinapansin dahil naka uniform din naman ito at mukhang isang College student din.

Nagtataka na siya. Sa araw araw na pumupunta siya sa library, Ni hindi man lang umaalis ng pwesto yung babae sa may sulok. Ganun na ganun pa rin ang pwesto nito simula nung una niya tong makita.

Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakayuko ito. Tapos, Sobrang puti ng balat. Parang namumutla. At natanaw niya din na may pasa pasa ito sa mga braso niya.

Minsan nga, Tinanong niya sa Librarian.

COLLEGE GIRL: Ma'am, Kilala niyo ba yung babae dun sa may sulok? Yung nagbabasa?

Natigilan yung Librarian sa ginagawa niya. Tinignan yung tinuro ng College girl sa may sulok. At muling binalik ang tingin nito sa kanya.

Tapos tinignan siya nito ng nakakairitang tingin.

LIBRARIAN: Anung pinag sasabi mo diyan miss?

COLLEGE GIRL: Yung babae po dun na nagbabasa sa gilid!

Nairita yung Librarian sa kanya

LIBRARIAN: Pwede ba? Wag mong istorbo-hin yung nagtatrabaho dito.

Tumahimik na lang yung college girl. Dahil parang nagalit na yung Librarian sa kanya. Tinignan niya ulit yung babae dun sa may sulok. Hindi pa rin talaga ito gumagalaw. Nakayuko lang at nakaupo sa lapag.

Mag 9:00 na ng gabi nung nag decide siya umuwi. 1st time niyang umuwi ng gabi galing sa library. Nagsi-uwian na yung mga college students dun. 

Siya na lang yung natira sa Library. Tyaka yung Librarian at yung Babae sa may sulok.

LIBRARIAN: Miss, Pakibalik na yung mga binasa mong libro sa shelves ah. Magsasara na ko. Tyaka, Maiwan muna kita. Mag C-CR lang ako.

Nag CR yung Librarian. Naiwan yung college girl at yung babae sa sulok.

Binalik niya na yung mga binasa niyang libro. Medyo kinakabahan na siya sa Babaeng nasa sulok. Magsasara na yung Library pero hindi pa ito umuuwi. Hindi man lang nagsasalita. Hindi man lang tumatayo. Tumataas na ang balahibo niya.