Day 043

480K 15K 5.1K
                                    

11:11pm

Rico: Alam mo ba kung bakit laging 11:11pm ako nag memessage?

Jhing: Kasi papansin ka.

Rico: Awts. Medyo harsh.

Rico: Pwera pa dun

Jhing: Wow inamin mong papansin ka

11:15pm

Rico: Syempre papansin talaga ako kasi kung hindi. Hindi naman kita kukulitin nang kukulitin di ba. Iba pa dun.

Jhing: E ano?

Rico: Alam mo yung 11:11 wish?

Jhing: O bakit?

Rico: Hinihintay mo bang mag 11:11pm para magwish?

Jhing: Hindi.

Rico: Awtsu medyo panira ka ng moment

Jhing: Haha wala kang pake :p

Jhing: O anong meron?

11:18pm

Rico: Hay sige na nga kahit panira ka

11:19pm

Rico: Kasi di ba karamihan ng tao inaabangan ang 11:11pm para makapag wish? Kasi tuwing 11:11 daw, nagkakatotoo winiwish natin?

Rico: Pero ang nakakatawa, yung madalas na hintayin ng mga tao ay hindi talaga 11:11 kundi 23:11.

11:22pm

Jhing: Nakakatawa talaga?

11:32pm

Rico: :|

Rico: TAPOS.

Jhing: Haha tapos?

11:37pm

Rico: Dahil mali yun, gusto ko. . . ako ang hihintayin mo tuwing sasapit ang 11:11pm.

Rico: Hindi para magwish kundi para kausapin ako.

11:39pm

Jhing: Hindi ako nagwiwish.

Rico: Oo nga kasi panira ka!

Jhing: :p

11:48pm

Rico: Gusto ko rin kasing ako ang pinaka huli mong makakausap sa gabi at ako rin ang pinaka unang nakakausap mo kinabukasan ng madaling araw.

Rico: Tulad nito.

11:58pm

Rico: Tayo ang huling kausap ng isa't isa ngayong gabi.

11:59pm

Rico: At. . . .

12:00am

Rico: Tayo rin ang unang magkausap ngayong umaga.

Rico: Ang saya di ba? Hindi ka ba masaya?

12:01am

Jhing: Deep ka pala.

Jhing: Hindi obvious.

Rico: :((((((((

12:02am

Rico: Panira ka talaga ng moment huhuhuhuhu

Jhing: Haha matutulog na ako

Rico: Mabuti yan para di mo na sirain ang moment ko :((((

Rico: Kagabi ka pa panira ng moment :(

Jhing: :p

12:03am

Rico: Matulog ka na moment wrecker.

Rico: Matutulog na rin ako tutal ayaw mong maging mas 'connected' tayo sa isa't isa :(

Seen 12:05am

Rico: Jhing?

Rico: Gudmornayt na nga :((

2:11am

Jhing: Sorry.

Jhing: But I'm happy you're the one I'm talking to everyday.

3:15am

Jhing: Good mornight Rico :)



--

Ang writer ng 23:11 ay si pilosopotasya. Ako. Ako po si Rayne. Babae. @ulaaaann sa twitter. @screenshots.ni.rayne sa ig. Pilosopotasya sa fb page.

23:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon