III

156K 5.4K 702
                                    

III

***

A life without you is like an imprisonment for life

An extinction from the world to the point where I'd go crazy

Your existence is a chronic disease, repitition of pain

You're a lingering attachment in my heart

The people of the world have turned their backs against me

The corners of their eyes are all twisted up

The greatest pain to me,

Is the fact thay you became the same as them

- Monster [BIGBANG]

***

Ilang araw pagkatapos mamatay ni Jake, nagkalat na ang Missing posters sa buong syudad. Hindi lang sya ang pinaghahanap ngayon kundi pati na rin ang matandang lalaki sa eskinita. Pareho silang pinatay ni Lucci. At dahil naging abo sila at walang katawan na nahanap, patuloy parin silang hinahanap ng mga kamag-anak nila.

"Excuse me Mr. Bautista," sabi ni Dean na nasa labas ng pinto.

Sandaling lumabas si Mr Bautista. Makaraan lamang ang ilang minuto ay muli syang pumasok sa loob ng klase.

"Ms. Angeles," tawag sa akin ni Mr. Bautista "Kailangan ka sa Dean's Office"

Nakaramdam ako ng titig sa akin ng ilang pares ng mga mata. Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas ng silid. Napalingon ako sandali kay Lucci na nasa dulo ng classroom. Nakatingin sya, agad kong binawi ang tingin ko at isinara ang pinto sa likod ko. Sinalubong ako ng Dean sa labas at tahimik kaming naglakad patungo sa opisina nya.

Nadaanan namin ang bulletin board kung saan may missing poster si Jake. MISSING basa ko sa malalaking letra na nakalagay doon. Sa ibaba naman ay ang nakangiting mukha ni Jake. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hindi sya dapat namatay. Mabuti syang tao.

Nakarating na kami sa opisina ng Dean. Agad nya akong pinaupo sa upuan na nasa harap ng table nya. May dalawang pulis sa loob kasama namin, isang babae at isang lalaki.

"Ms Angeles, hwag kang kabahan. Nandito lang sila para tanungin ka," sabi ni Dean.

"Ms Angeles may ilang katanungan lang kami sa'yo. Ayon sa mga saksi, ikaw ang huling nakita nila na kasama si Mr Cardena," sabi ng lalaking pulis. 

Nag-umpisa nang sumikip ang dibdib ko sa kaba. Tatanungin nila ako kung ano ang nangyari. Masasabi ko ba na pinatay sya ng isang demonyo? Na sinunog at naging abo na ang katawan nya kaya hindi nila makita? At paano ko ipaliliwanag sa kanila ang lahat nang hindi napagkakamalan na baliw? 

"Ms Angeles ano ang relasyon mo kay Jake?" malumanay pero puno ng awtoridad na tanong ng babaeng pulis.

"Kaibigan ko po sya," sagot ko habang nakakuyom ang dalawang kamay sa palda ng uniporme ko.

"Kaibigan? Yun lang?"

"N-Nanliligaw po sya sa'kin"

Reincarnation of LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon