Kiss of Revenge Ch. 11

3.8K 105 15
                                    

AN: Hindi ako nakapasok dahil sa katamaran, tapos nagising ako ng 4 am. Tapos ito. ENJOY.

Kiss of Revenge Ch. 11: Decisioning Kiss

 

 

RB’s POV:

 

Nagising ako. The bed looks familiar, the place looks familiar, but I don’t remember. Natabunan ang utak ko ng madaming kaisipan. Si Charles at yung magiging anak niya yung pinaka-nangingibabaw. Daig pa kape. Ipinikit ko ang mga mata ko, pinilit isipin na hindi masakit. Na wala lang ‘to. Na para lang ‘tong kagat ng langgam, pero hindi… Kinagat na naman ng isang buong colony ang puso ko.

Minulat kong muli ang mga mata ko. The bed looks familiar, the place looks familiar, but I don’t remember. Sana hindi ko na lang talaga maalala. Sana parang yung mga pinag-aralan ko na lang pagkatapos ng exam. Yung pagkapasa ko ng papel sa prof. ko, bigla na lang mawawala. Pero hindi ganun mangtrip si tadhana. Hindi ganun ang takbo ng reyalidad.

Babangon na sana ako para hindi na ko mag-isip ng kung anu-ano. Pero naramdaman ko na may kamay sa bandang tiyan ko. Humigpit ang pagkakahawak nito… at muli, hindi ako nakagalaw sa kinalalagyan ko. Charles. At sa muling pagbigkas ng puso ko sa pangalan niya, bumagsak na naman ang mga luha ko. Nilingon ko siya. And he’s there… sleeping next to me.

I marvel at his beauty. Silently, I stared. Pa’no nangyari na mahal na kita ng sobra? Pa’no nangyari na sobrang masakit para sa’kin kahit na anong direksyon pa ang piliin ko?

Patuloy ko siyang tinignan, naghihintay ng mga sagot sa mga tanong na hindi ko naman talaga tinuran. He looks young and peaceful. And come to think of it, he’s gone through a lot. Yung problema sa kapatid niya, sa pamilya niya, sa’kin, at ngayon sa magiging anak niya.

He’s handled all of us trying to lessen our damage, trying to lessen the pain and absorbing most of it. Silently, I stared, thinking of his pain, rather than mine. Remembering what happened last night.

 

“SAAN mo na naman ba ako dadalhin?” Tanong ko kay Cassandra habang nagdadrive siya, at ako naka-pout sa passenger’s seat.

“To your grave.” She answered nonchalantly.

Napatingin ako sa kanya. “Talaga? At sasama ka pa talaga?”

“Hindi ba pwedeng ihahatid lang kita?” She asked in her most sophisticated voice.

“So technically, driver lang kita ngayon?”

Shut Up or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon