Chapter 12

2.9K 81 11
                                    

© Shupershimmer

Hindi niya ako pinagsarhan ng pinto, pero sa tingin ko, hindi niya rin ako winelcome pagpasok ko. Ramdam ko na wala na siya sa mood para magpunta sa plano namin—napurnada na.

“Sa’n ka pupunta?” tanong ko dahil nakita kong may backpack sa ibabaw ng sofa.

Hindi siya sumagot.

“I’m sorry, okay?” sabi ko. “Na-nasobrahan ako sa tulog, at yung alarm clock ko… hindi ko narinig, e.”

“Amoy alak ka,” sabi niya habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin. “Amoy yosi pa.”

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya. “I’m sorry kung di ko nasagot ang tawag.”

Umismid lang siya at kinuha ang bag saka ako nilapagpasan. Bago pa man niya buksan ang pinto, hinarang ko ang isang kamay ko sa doorknob, at tinignan niya ako.

“Tumabi ka nga,” utos niya habang nakasalubong ang dalawang kilay.

“San ka pupunta? Ihahatid kita.”

Sumagutsot lang siya tapos pinilit niyang hilain ang kamay ko sa pagkakahawak sa doorknob pero hinigpitan ko lalo ang grip.

“Ten minutes. Maliligo lang ako sa unit ko tapos babalik ako.”

Nagmadali akong bumalik sa unit ko—pinagsamang lakad at takbo—tapos naligo, Pagkasuot ko ng T-shirt, lumabas agad ako ng pinto habang nagkakabit ng sinturon sa bewang. Halos makipag-agawan ako sa elevator at tumatagaktak ang pawis ko para lang maabutan ang natitirang one minute sa oras ko. Pagbalik ko sa unit ni Irish, wala nang tao.

Naihilamos ko lang ang kamay ko sa mukha ko dahil sa inis. How come she left without even saying a word? She could’ve had called me, or sent me a message. How dare her.

Kung nag-e-expect siyang hahanapin at susundan ko siya, manigas siya. Asa.

Bumalik na lang ako sa unit ko para matulog ulit pero bandang tanghali, nagising ako sa isang doorbell. No’ng una, hindi ako tumayo sa kama—si Gio lang naman ang palaging pumupunta rito, at alam niya ang password ko. Magaling mang-hack ng lock. Tumayo lang ako sa kama sa pang-apat na doorbell.

In my surprise, there’s a man standing small in front of me.

“Sino ka?” tanong ko.

Dumukot siya sa bulsa niya para magpakita ng ID. “Sergio Ramos, detective.”

“Ano’ng kailangan mo?”

My forehead creased, and at the same time, I felt nervous for some unknown reasons. Anong ginagawa niya rito?

“According to the investigation, you’re Mr. Adam Silverio, boyfriend ni Ms. Selina Villegas,”—tumingin siya sa hawak niyang notebook, at sakin—“am I right?”

“What does she have to do with me?” sinubukan kong magmukhang arogante at halos walang paki sa presensya ng matanda.

He smirked. “It’s not the kind of reaction I’m expecting from you, Mr. Silverio. Girlfriend mo ang namatay rito, yet, mukhang hindi ka man lang naapektuhan.”

I breathed a sigh of annoyance. “Pwede bang pakisabi kung ano’ng punto ng pagpunta mo rito?”

Inayos niya muna ang suot na jacket niya na parang nag-iisip pa siya ng sasabihin sakin. Maya-maya, tumango pa siya sa loob ng unit ko sabay sabing, “We need to talk privately.”

“Pwede ko bang malaman kung kailan kayo huling nagkita ni Ms. Villegas?” tanong niya habang nakatalikod siya sakin.

Busy sya sa paglibot ng buong unit ko, pero wala pa naman siyang hinahawakan. Tumitingin-tingin lang siya, pero wala naman siyang nakitang kaduda-duda sa loob. Nakatago ang mga baril ko sa vault na nasa kwarto, and fortunately, nasa sala lang kami.

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon