Chapter Eight: Breakfast

62 11 5
                                    

Chapter Eight:

*Fan's POV

"Ano yang hawak mo?" napatingin ako sa nagsalita. Kaibigan ko pala, si Vanessa.

"Ticket" tipid kong sagot.

"Para saan?" naupo siya sa tabi ko.

"Sa concert ng Tear Here." Sagot ko.

"Oh? Saan gaganapin?" excited niyang tanong sakin.

"Sa Golden Rose Hotel."

"Ayy, bakit dun? Diba abandoned na yun?"

"Halloween kasi."

"Ahh. May pupunta naman kaya?"

"Oo, marami rin kasi ang naku-curious kung sino yung bagong drummer."

"Ahh.. Bago? Gwapo rin ba?" Mukha talagang lalaki tong babae na ito. =__=

"Babae raw."

"Tomboy?"

"Hindi ah. Pero maganda raw eh."

"Talaga? Ang swerte naman niya. Ang gagwapo ng kasama niya ha."

"Ang landi neto. Basta, naku-curious rin ako sa new drummer nila."

"Sasama ako! Samahan mo ako bumili ng ticket ah?"

"Ge."

"Kailan ba gaganapin?"

"October 29."

"Gora ko jan!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Courtney's POV

Hayss.. concert na naman. Nakakatamad naman bumangon sa kama. -_-

*rriiinnnggggg!!!

Arg. That alarm clock is getting on my nerve already. Nakakatamad patayin pero ang ingay.

"Seniorita Courtney."

Hay salalamat andito na si Claire.

A/N: Personal Maid ni Courtney.

"Sy, Claire?"

Pumasok na si Claire sa loob ng kwarto.

"Por pabor, Turn off that irritating alarm clock."

"Opo, seniorita."

Pagkatapos niyang patayin.

"Seniorita,may naghahanap po sa inyo sa baba."

"Who?" naupo na ako.

"Si Seniorito Rovic daw po."

"Bakit?"

"Susunduin daw po kayo."

"Saan kami pupunta?"

"Saw concert daw po."

"An aga pa ah." -_-

Pumasok si mamá sa kwarto.

"Courtney, bumaba ka na. Inaantay ka ni Rovic."

"Fine." -_-

Pumunta muna ako sa CR para magsepilyo at makapagayos saka bumaba. I saw him sitting at our sofa.

Naupo ako sa harap niya.

"Bakit ganyan itsura mo?"

"Bakit? Ano ba meron sa itsura ko?"

"Hindi ka pa rin bihis?"

Tear HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon