MGD 14 - Fell Off

280K 6.9K 1.3K
                                    

MGD 14 — Fell Off

Once in a while you need to let go of the past and focus on the things that revolves around you today. Sana pala ay matagal ko ng ginawa ito. Masarap sa pakiramdam na nakapagpatawad ka na. Masarap sa pakiramdam na wala ka ng iniisip sa gabi bago matulog. Masarap sa pakiramdam na hindi ka na tatakas sa problema mo. And I must say now, nakapagpatawad na ako.

As I went back to our home, hindi ko lubos maisip na mayroon akong dalawang nasasaktan. Una, si Liam na nandyaan palagi sa tabi ko noong mga panahong kailangan ko s'ya. Pangalawa, ang lalaking hindi sinabi ang mga bagay na sinakripisyo n'ya. They both sacrificed in their own way. I shrugged with the thoughts, love is not a decision, it is a feeling.

Tumuloy na ako sa kwarto ko since wala pa raw si Tristan. I glanced at my black wallclock, 8:15 PM.

Kaagad kong tinext si Tristan dahil hindi naman ginagabi umuwi ang panget na 'yon, "Hoy panget, bat di ka pa umuuwi?" sinend ko 'to kaagad at nagbabakasali na magreply s'ya kaagad.

Mag-aalas-dyis na ng gabi noong tinext ko si Tristan pero wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa kan'ya. Doon na ako nagsimulang mag-alala. Muli kong kinuha ang phone ko na nakalagay sa table sa side ng kama ko, "Uso magreply. Asan ka na ba?!" sinend ko ito ng tatlong beses para naman makasure na dadating talaga ang message ko. Lumipas ang sampung minuto noong napag-isipan ko na tawagan s'ya.

Mygahd, bakit ba hindi ko ito naisip kaagad?! Anong katangahan na naman 'to? Napabuntong hininga ako habang tinatawagan si Tristan.

Nakakatatlong ring na ito noong may nagsalita, "Why?" he asked. Potek ka talaga Tristan, nakukuha n'ya pa talagang mag-english sa lagay na 'yan ah?

"Bakit di ka nagrereply sa text ko?" inis na sabi ko sa kan'ya. Hindi naman ako mabait pero nag-aalala ako sa kan'ya. Duh, sabay kaming isinilang ni Mama at isa pa, mawawalan ng isang hambog sa mundo.

"Do I need to answer that?" ugh! The nerve, kung kaharap ko s'ya ay talagang sasabunutan ko kaagad s'ya!

"Trist ang tagal naman. Naiinip na ako! Sino ba 'yang kausap mo ah?" biglang lumaki ang mata ko dahil sa narinig ko. W-what? Did he mean? Ugh! No! Why?! Bago pa ako mag-jump in sa conclusion ay narinig kong sumagot si Tristan. At talagang inalayo n'ya pa ang phone sa bibig n'ya, "Wait. Nagpapadeliver ako ng pizza." what the f-ck? Narinig ko pa ang bungisngis ng babaeng kasama n'ya.

"PRINSIPE NG MGA HAMBOG?! ANONG KABABALAGHAN 'YAN?!" I shout at the top of my lungs.

Inhale. Exhale. Grabe, ano na naman bang kababalaghan ang ginagawa nito.

"Okay. Okay. Wala akong pakialam sa iniisip mo. Naggagawa ako ng project dito. Wag mo kong istorbohin.." masungit na pahayag n'ya.

"Ako pa talaga ang nang-iistorbo?!" di ko makapaniwalang tanong sa kan'ya, "Anong project 'yan Prince Tristan Lua?! Paggawa ng bata? Hala ka!" napasapo ako sa noo ko. Ayaw ko pang maging tita! Kadirii si Tristan!

"Ha ha ha. Ang dumi ng isip mo. I won't explain a single thing to you. Bukas na ako uuwi, istorbo tsk!" he clicked his tongue at hindi ako makapaniwala na binabaan n'ya ako ng phone!

'Sino ang kasama ng kapatid ko?' I asked myself. Ugh, yes! Ang akala ko ay bakla s'ya, babae pala ang gusto n'ya. Thank God! May allergy 'yan sa mga babae, never 'yan na nanligaw, once lang. After n'yang mabroken hearted ay naging woman-hater na s'ya. Ang akala n'ya ay lolokohin s'ya ng lahat ng babae. Pasalamat talaga s'ya at nandito ako para sa kan'ya, sus, istorbo pa daw ako? Anak ng! Bahala na nga s'ya sa buhay n'ya, impakto talaga.

Sad isn't it? But that's life. Nagpaloko s'ya, katangahan na ang tawag dun. Pero mahal n'ya kasi e. Hay, pinatay ko na ang lampshade at natulog na ako.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon