Previous Page of 4Next Page

Tumblr Love Story: Si kuya FAMOUS. (Completed)

Dedicated to
iwillbethereincanada
spinner.gif

☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆

Ilang months na ang nakalipas simula nung nangyari yung nakakahiyang ginawa ko kay Rain. At ito, okay na ang lahat :") Fortunately, walang nag-aanon sa akin. Alam niyo kung bakit? INOFF KO YUNG ANON BUTTON KO. Hahaha. Natatakot kasi akong ibash ng mga adik kay Rain eh. Sensitive kasi ako >_<

Bilang normal na magkaibigan, lagi na akong nagcocomment sa mga posts niya, at lagi na siyang nagcocomment sa mga posts ko. Malakas na rin ang bangayan namin minsan. Ang galing kasing mamikon eh. Ang sweet namin diba? Hahaha! \(^ ^)/

Tulad na lang ngayon, nagbabangayan nanaman kami dahil lang sa isang napakasimpleng topic. "KIMPOY FELICIANO." Ang corny ng topic diba? :( Nagpost kasi ako ng isang rant tungkol kay Kimpoy, eh gwapo si kimpoy eh. Sa dami ng binuhos kong papuri kay Kimpoy, ganun din ang katumbas ng mga binuhos niyang panlalait, na dahil sikat daw si Kimpoy dahil mukha lang ang panglaban niya at mga jeje girls at fantards lang ang sumusuporta kay Kimpoy. Wow ha! Affected much.

ლ(ಠ益ಠლ

Para namang may ginawang masama sa kanya yung tao. Grabe lang makareact. Feeling naman niya kalevel niya si Kimpoy. Nakakainis lang. Hindi ako fan girl ni kimpoy, gwapo lang siya, hahaha! :) Na-attract lang naman ako. Ugggh.

Sa sobra inis ko, nag-offline ako.

Tanghaling tapat ganyan ang pambungad sayo. Parang lahat na lang ng posts ko, kinokontra niya. Imbes na nagiging Lovers kami, parang Mortal Enemy na. Hindi na nga ako makaisip ng rebutalls ko kaya hindi na ako sumagot. Bahala nga siya. Wow ha, ang term ko, look naman, REBUTTALS! BIG WORD! XD

Naisahan ako ng unggoy na yun aa. Lagot siya sa akin pagbalik ko. Hmp! Pasalamat siya tanghali at dinalaw ako ng antok ko! hmo. Magbbeauty rest na lang ako.

Nastretch na yung noo ko dahil sa sobrang inis ko ka kaya Pinatay ko na ang laptop ko at nahiga sa kama. Inis na inis talaga ako habang binabalikan ko ang naging balitaktakan namin ni Rain. >_< BALITAKTAKAN is the word!

Hanggang sa nakatulog ako..

Masarap ang tulog ko nang biglang ring ng ring yung phone ko. Nung una, hindi ko pinapansin pero paulit-ulit talaga. Ayan napilitan ako... Lechugas!

Kinapa ko ang ilalim ng unan ko para makuha ang phone ko. Nakapikit pa ako sa lagay na ito. Istorbo! Pagmulat ko ng mata. Nakita ko ...

s(・`ヘ'・;)ゞ

24 messages received. 13 missed calls.

HA? SINO NAMAN ITO? (OoO")

Binuksan ko lahat. Wow, puro Rain ha. Ano namang pakulo ng lalaking ito ngayon. May gana pang magtext at tumawag, parang walang kasalanan sa akin. Sayang yung tulog ko. Pagbukas ko ng text messages:

"Peige. Sorry kanina :)"

"Huy! Huwag kang magpapakamatay. Joke lang yung kanina xD"

"Peige, noodles ka ba? Kasi lucky me!"

"nakita ko pala yung bago mong DP sa tumblr, para kang race track! Ang ganda ng curves mo :")"

"Uy, may meet up daw. Punta tayo! Gusto kitang mameet."

"HUY! SORRY NA PEIGE"

"Sorry na. OO na, gwapo na si Kimpoy!"

"pero syempre mas gwapo ako!"

"UY PEIGE! GISING NA!"

\(T∇T)/

Ang dami kong tawa. Mga 416181. Grabe lang to. Adik na eh. Naagaw ang atensyon ko sa isa niyang text. Yung meet-up. Seriously, gusto ko rin siyang makilala in person. Hindi lang yung text text at blog blog. Gusto ko personal. Malapit lang naman kasi yung lugar niya sa lugar ko. Wala lang talagang time na magkita kami, kasi nga diba, ayaw kong lumalabas ng bahay. TSAKA HINDI KO PA NAKIKITA ANG PAGMUMUKHA NIYA DAHIL LAHAT NG PICTURES NIYA, NAKA-CROP!

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (14)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Kim Bumas Raizen
Suzy Baeas Peige

Who's Reading

Recommended