SANA.

328 17 22
                                    

Hanggang Kailan ka Hihiling. Hanggang Kailan ka Aasa? 

Hanggang Kailan mo sasabihin ang salitang

SANA?

(c)JuanaLazy

--

Lingon

Titig

Iwas

Lingon ulit

Titig

Iwas.

"UWAAA!" "UWAAA!" "UWAAA!"

"Hoy ano ba Kyle? Hindi mo ba papatahanin yang anak mo?" tumayo na ako at pinatay ko na ang t.v dahil sa sobrang inis.

"Ikaw na magpatahan!"

"At ako pa nga?"

"Minsan ka na nga lang bumisita dito eh. Magrereklamo ka pa!"

"Wala kang pakielam! Akala ko kasi nandito ang Mama kaya ako bumisita!"  

Kinuha ko na ang bag 'ko at umalis na ng bahay na iyon.

Nag-sindi na lang ako ng yosi 'ko. Nakaka-Inis kasi.

Haay. Ganito lang naman palagi eh. At hanggang ganito na lang talaga ata. Tuwing pupunta ata ako dun puro perwisyo ang nadadala sa utak 'ko.

Pumunta lang ako sa park kung saan ako laging nagpapalamig ng ulo pag nangyayari ang mga ganitong bagay.

Nang nakapunta na ako dun, umupo lang ako sa swing at napatingin sa mga batang naglalaro sa di kalayuan.

Haay. Kung hindi lang sana ganito ang kapalaran. Kung hindi ko lang sana nalaman iyon. Edi sana, masaya ako. Sana, masaya kami ngayon.

SANA.

***

"Mr.Agoncillo, solve this on the board."

"Sorry Sir. Pero di ko kaya eh."

"That's the best excuse I've ever heard."  -Sarkastikong pagkakasabi ng guro namin.

"Thankyou sir." akmang uupo na siya ng biglang magsalita ulit ang guro namin.

"Sa tingin mo ba papasa ka sa subject ko?"

Ngumisi lang siya at tumingin sa guro namin.

"Ikaw Sir, sa tingin mo ba papasa ka ba?

Sa hair-test ni Yuko Yamashita?"

Nagtawan lang ang buong klase. Maski ako napatawa. Kung nakita mo kasi yung itsura ng guro namin.

Maski ikaw, Baka matawa ka din. Bading kasi yun eh.

"YOU! MR.AGONCILLO! GET OUT OF THE ROOM!"

Ngumisi lang siya at umalis na ng room. Tumigil na naman kami sa pagtawa. Pero sa totoo lang, pinipigilan lang namin. Mahirap na.

Nagpatuloy lang siya sa pagtuturo niya nang bigla akong makaramdam ng antok.

Umub-ob lang ako sa desk 'ko at nagsimulang matulog.

Nasa climax na ako ng panaginip ko ng biglang...

Kwentuhang Pang-KANTO.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon