Chapter TWENTY-EIGHT --> She's In Danger <--

18.8K 298 45
                                    

Dedicated to Girlfromcloudnine :3 Birthday niya kasi nung August 3.. At pareho din kaming a-tres. Kaya ayan. nyahaha! xD

============> Chapter TWENTY-EIGHT --> She's In Danger <--

[Sander’s POV]

 

 

     10:23 PM.

     “Pare..” Inalok sakin ni Vex yung pakete ng sigarilyo niya.

     Kumuha ko ng isang stick.

     Inilagay ko sa bibig ko yon at sinindihan sa pamamagitan ng lighter.

     Ihinagis ko kay Vex yung lighter.

     Nagsindi rin silang dalawa ni Seth.

      “Ikaw Sam?” Seth

      “I don’t smoke anymore.” Sam, habang nakaupo sa isang sirang sasakyan na puro kalawang na.

      Humitit ako at ibinuga yung usok.

     Ang tagal ko na ding hindi nakakapagsigarilyo. Siguro mga two years na... Pero sa isang tikim lang parang bumabalik na ulit yung pagkahumaling ko dito.

     “Ah sh.t pare, nasan na ba si Master?” sabi ni Seth habang nakasandal sa pader.

     “Relax tol, alam mo namang walang panama satin yung mga g*go na yon di ba?” Vex, at saka humitit sa sigarilyo niya.

      “Hindi na nadala yung mga lintek na yon..” itinapon ko yung sigarilyo at inapakan para mamatay.

      Sh.t hindi pwede to. Naaadik na naman ata ako.

      Maya-maya lang, may pumarada na Black Mercedez Benz sa labas ng abandonadong building kung nasaan kami.

     Lumabas si Den mula sa kotse. Nakakunot yung noo niya habang naglalakad palapit samin.

     “Where are the fvking morons?” Den

      “Wala pa. Late pa ata ang mga loko. Sila pa naman yung naghamon na makipagkita satin.” Ako

GIRLFRIEND 4 SALE [fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon