Previous Page of 11Next Page

GIRLFRIEND FOR HIRE [ EPILOGUE ]

Dedicated to
All GFFH Readers
spinner.gif

Dedicated sa lahat ng readers ng Girlfriend For Hire.. Salamat sa support! sa lahat lahat! ^__^ ~yam

GIRLFRIEND FOR HIRE  

~ EPILOGUE ~

(a/n: I made a video teaser for GFFH Epilogue. Pwede niyong panuorin before niyo basahin or after na ^__^)

NASH's POV

Huh?

Nasaan ako?

Teka..Bakit nasa condo ko na ako?

"Oh gising ka na pala Nash." -Tommy na nakangiti sa akin

"Ba-bakit nandito tayo Tommy? diba andun pa tayo sa--"

"Eh kasi pagbalik ko sayo nung nahanap ko na yung kwintas, bigla ka na lang hinimatay eh. Inaapoy ka na pala ng lagnat, kaya ayun inuwi ka na namin."

"Ah ganun ba? Nako pasensya na huh? Hindi tuloy kayo nakapag enjoy dahil sakin."

"Anu ka ba? Kung wala ka dun hindi rin ako mag eenjoy, isa pa mas ok nga yung napaaga tayo ng uwi. Hindi ko na kasi alam ang gagawin kung nagtagal pa tayo dun."

Oo nga pala, sabi ko sana panaginip lang ang lahat pero judging sa itsura ni Tommy, mukhang hindi.

Totoo palang nagpropose si Bryle.

Totoong ikakasal na sila ni Elida.

Maiiyak na naman sana ako pero nagawa kong pigilin yun, ayoko ng umiyak pa dahil sa kanya.

Tatayo sana ako sa kama ng mapansin kong may hawak hawak pa pala ako. Yung.. yung kwintas.

Tiningnan ko yun.

"Pagkabigay ko nyan sayo, hindi mo na yan binitawan kahit na wala ka ng malay, sobrang mahalaga talaga sayo niyan no?" -Tommy

"Ah kumaen na tayo, mukhang ang sarap ng niluto mo ah." pag iiba ko ng usapan

Si Tommy naman umupo sa may kama ko tapos susubuan sana niya ako nung soup pero..

"Tommy ako na, kaya ko naman ng gumalaw eh. Magaling  na ako."

Hinawakan niya yung noo ko tapos bigla siyang umiling.

"Ang init mo pa kaya! Wag ka ng gumalaw ok? Ako ang personal nurse mo ngayon."

Kaya ayun, wala na akong nagawa kung hindi sumang ayon sa kanya. Medyo masama pa nga talaga ang pakiramdam ko. Isa pa kailangan ko rin ng kasama ngayon. Kung mag isa lang ako dito sa condo siguradong magiiyak at magiiyak lang ako.

.

.

Nakatulog pala ulit ako habang pinupunasan ni Tommy ng malamig na tubig yung noo ko.

Nagising na lang ako sa kalagitnaan ng gabi at nakita ko si Tommy na nakasubsob sa kama ko habang nakaupo sya sa saheg. Nakatulog na siya sa pagbabantay sa akin.

Pinagmasdan ko sya. Ang gwapo niya. Ang amo ng mukha niya. Sa totoo lang mas gwapo sya kay Bryle eh.

pero..

Bakit? Bakit nga ba hindi ko magawang mahalin ang lalaking to? Ang lalaking hindi kailanman umalis sa tabi ko. Ang lalaking walang ginawa kung hindi mahalin ako. Ang lalaking hindi ako kailanman sinaktan. Ang lalaking kabaligtaran ni Bryle.

Tumayo ako sa kama tapos nilagyan ko sya ng kumot. Nag impake ako ng mga damit ko.

tapos..

Hinalikan ko sya sa noo.

"Salamat Tommy.." pagsabi ko nun, umalis na ako

Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Basta gusto ko na munang mapag isa. Malayo sa lahat.. Malayo sa sakit..

Hindi ko pa kayang harapin si Bryle. Sigurado kung papasok ako sa school, balita na yung kasal nila. Usap usapan na yun at mas masakit pa kung makikita ko pa si Bryle. Hindi ko pa sya kayang harapin sa ngayon.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

TOMMY's POV

Nakatulog na pala ako!

Pagka mulat na pagkamulat ko tumingin agad ako kay Nash, te-teka.. nasan si Nash?

Bilis bilis akong bumaba ng kwarto pero wala sya dun.

Ang aga pa ah? Saan ba sya nagpunta?

Tinawagan ko si Katie, nagbabakasakaling nagpunta sa kanya si Nash pero wala.

Saan ba sya nagpunta?

.

.

.

Pag pasok ko sa school..

Syempre agad akong lumapit kay Katie para malaman kung may balita na sya kay Nash at medyo gumaan ang pakiramdam ko nung sinabi sakin ni Katie na nagtxt daw sa kanya si Nash. Nasa mabuti naman daw syang kalagayan, mawawala daw siya ng ilang araw pero babalik din daw sya. Hindi niya sinabi kung nasaan siya pero ang sabi lang niya gusto niya lang mapag isa.

Kaya mukhang wala kaming magagawa kung hindi ang maghintay.

.

.

Andito ako sa tambayan ngayon. Si Steve, si Third at ako. Tapos maya maya biglang dumating si Bryle.

"Nasaan si Nami? kanina ko pa sya hinahanap pero bakit wala sya?" -Bryle

Previous Page of 11Next Page

Comments & Reviews (3568)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

GIRLFRIEND FOR HIRE   [ EPILOGUE ]

Who's Reading

Recommended