Previous Page of 4Next Page

Effect of love

Dedicated to
HaveYouSeenThisGirL
spinner.gif

Dedicated to sa isa sa pinakamagaling na author sa wattpad ♥♥♥

____________________________________

 

Sandara's POV

 

"Bagong estudyante ka doon kaya kailangan mong maging mabait"sabi ni Mom habang kumakain kami.

 

"Oo nga Ate! dapat din lagi kang nakangiti"sabi naman ni Khaterin (Keytrin), ang madaldal at maingay kong kapatid.

 

"Tsk, para saan?"sabay subo sa pagkain ko.

 

"Anong para saan? dapat wag kang makikipag away doon at maging palakibigan ka"sabi ni Mom habang nakatingin sa akin ng masama. Alam na alam na kasi nila ang ugali ko at kaya din ako nag-transfer kasi masyado na akong madaming ginawang gulo sa school kaya naman ako pina-transfer sa bago kong school na maayos daw para magbago na ako.

 

"Palakaibigan? seryoso ka? nagpapatawa ka ata"

 

"P--"hindi ko na siya pinatapos magsalita at nagpunta na ako sa lababo para magsipilyo.

 

"Sandara!"sigaw niya habang nagsisipilyo pa din ako.

 

Pagkatapos ko, nagpaalam na ako sa kanila.

 

"I need to go"

 

"Ingat ka tsaka yung sinabi namin Ate ha? Don't you ever forget that! Hahaha!"tatawa tawang sabi nung kapatid kong babae pero hindi ko na lang siya pinansin.

 

 Gusto niyo kong makilala? okay.

 

Sandara Nam Reyes ang pangalan ko pero pwede mo akong tawagin na Dara or Whatever you like for short . Yun lang, tinatamad na akong ituloy, wala rin lang naman kayong pakialam sa buhay ko eh.

 

Pahuling salita pala, 3rd year highschool palang ako pati ang boyfriend ko pero dapat 4th year na sana siya pero dahil hindi siya nag aaral ng mabuti, umulit siya sa 3rd year. Magkaiba kami ng school na pinapasukan dahil ayaw niya daw kasama ang kapatid niya which is my bestfriend.

 

 __________________________________________________________

 

 

Naglalakad na ako ngayon papunta sa bago kong school.

 

Pagpasok ko, una kong nakita ang napakalaking Gym, masasabi ko ding maganda ang school na ito.

 

Habang naglalakad ako ,halos lahat ng estudyante nakatingin sa akin. Para naman akong alien na naligaw dito -_-

 

 Nagpunta na ako sa P.O. alam niyo naman siguro ang P.O diba? lagi kasi akong present doon dati eh.

 

"Saang section ako?"tanong ko doon sa Principal namin.

 

"Anong pangalan mo?"tanong nito pero hindi ko na pinansin ang tanong niya dahil nakita ko na sa bulletin board kung saang section ako.

 

Nagpunta na akong room ko at pagdating ko doon.

 

"Pst! Dara!"boses palang kilalang kilala ko na. Nagpunta ako sakanya, sa bestriend kong si Rica Chua. Half Chinese siya. Halata naman sa apelyido niya diba?

 

Uupo na sana ako sa tabing upuan ni Rica pero may narinig akong nagbulungan. Bulungan pa ba yung matatawag? ang lalakas ng boses eh -____-

 

"Huh? bakit naman ganyan pumorma yang bago nating kaklase? parang tomboy"babae yun at sigurado ako kasi ang arte ng boses niya tsaka ako pa ata pinag uusapan nila.

 

"Hindi naman bagay sa kanya (sabay tawanan)"hindi daw bagay sa akin? pinagloloko ba ako ng mga to?!

 

"Kung makaporma naman. Duh! baka naman gusto niya kunwa kunwaring matapang siya? Hahaha! As if naman bagay sa kanya maging matapang! Gosh! kaloka ha!"lalo pa nilang nilakasan ang tawa nila na ikinainit ng ulo ko.

 

Kung hampasin ko kaya mga to?! ang aarte! Bwisit.

 

 

Haaay! nakakainis!

 

"Wag mo ng pansinin, masyado kasi silang papansin. Kalma ka lang ha?"kalma daw? pakamatay ka na lang no!

 

Hindi na ako nakapagpigil kaya namana nagpunta ako sa harap nung tatlong babaeng hindi ko kilala at tinitigan sila isa't isa na akala mo papatayin ko sila. Kita ko namang natakot sila.

 

 

 

 

"Ako ba pinag-uusapan niyo?"seryoso kong tanong.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (18)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 1 (Kitty girls)

Cast

Lee Hong Kias Lee Shone Carter
IUas Sandara Nam Reyes
Lee Soon kyuas Rica Chua
Yoo Seung Hoas Brian Chua
Nam Gyu-rias Lorica Highmore
Kim Bumas Joshua Chance
Jung Yong Hwaas Peter Lim
Seul kias Sophie Sanchez
Koike Teppeias Mico Yago
Kim Hyun Joongas Ej Lopez

Who's Reading

Recommended