Previous Page of 4Next Page

Effect of love

Dedicated to
HaveYouSeenThisGirL
spinner.gif

Dedicated sa pinaka-paborito kong author dito sa wattpad, napakaganda ng mga stories niya! sooooobra! ♥♥♥

____________________________________

 

Sandara's POV

 

"Bagong estudyante ka doon kaya kailangan mong maging mabait" sabi ni mom habang kumakain kami.

 

"Oo nga ate! dapat din nakangiti ka habang naglalakad sa campus!" sabi naman ni Khaterin (Keytrin), ang madaldal at maingay kong kapatid.

 

"Pft, para saan?" sabay subo sa kinakain ko.

 

"Anong para saan? inilipat kita sa school na iyon para sa ikabubuti mo, huwag ka na namang makikipag-away doon" pagsesermon ni mom habang nakatingin sa akin ng masama. Alam na alam na kasi nila ang ugali ko at kaya din ako inilipat ni mom kasi masyado na akong madaming ginawang kagaguhan sa school ko dati, kaya naman daw nila ako inilipat sa school na ito para magbago na daw ako dahil matitino na daw ang mga taong makakasalamuha ko tsaka doon din kasi nag-aaral yung kaibigan kong si Rica.

 

"Hindi ko maiiwasan ang makipag-away lalo na kung nakakainis at nakakairita yung tao" sabi ko na napatingin sa ibang direksyon.

 

"P--" hindi ko na siya pinatapos magsalita at nagpunta na ako sa lababo para magsipilyo.

 

"Sandara!" sigaw niya pagkatapos kong magsipilyo.

 

"I need to go" paalam ko na hindi pinansin ang pagtawag sa akin ni mom.

 

"Ingat ka ate! ugh! ingat pala sila sa'yo!" natatawang sabi ni Khaterin pero hindi ko na siya pinansin at umalis na ng tuluyan.

 

 Gusto niyo kong makilala? okay.

 

Sandara Nam Reyes ang pangalan ko pero pwede mo akong tawagin na Dara or whatever you like for short. Yun lang, tinatamad na akong magsabi ng tungkol sa akin, wala rin lang naman kayong pakialam sa buhay ko at wala din akong pakialam kung wala kayong pakialam.

 

May sasabihin pala pa ako, 3rd year High Shool palang ako at yung boyfriend ko pero dapat 4th year na siya pero dahil hindi siya nag-aaral ng mabuti, umulit siya sa 3rd year. Magkaiba na kami ng school ngayon dahil nailipat na nga ako sa ibang school.

 

 

Naglalakad na ako ngayon papunta sa bago kong school, una kong nakita ang malawak na Gym at malalaking buildings. Halos lahat ng estudyante dito napapatingin sa akin lalo na sa damit ko. Ano bang mali sa damit ko? naka t-shirt kasi ako ng kulay black at may nakaprint doon na "Fuck you" tapos nakasuot ako ng camouflage (cargo) pants. Okay naman ang suot ko pero bakit ganyan sila makatingin sa akin? tsk. Hindi ko na lang pinansin ang mga masasamang tingin nila sa akin at nagpunta na ako sa P.O, alam niyo naman siguro ang P.O diba? lagi kasi akong present doon dati. Halos araw-araw pa.

 

"Anong section ako?" tanong ko doon sa principal namin pero tiningnan niya lang yung damit ko at kumunot ang noo niya.

 

"What kind of clothes are you wearing?" tanong niya na nakatingin ng seryoso sa akin kaya naman napakunot ako ng noo.

 

"May tinatanong PO ako kaya huwag mo akong sagutin ng tanong din" sabi ko kaya naman nagulat siya, dahil na din ata sa inasta ko. Nakakainis.

 

"Watch your mouth. What's your name?" tanong niya pero hindi ko na pinansin ang tanong niya dahil nakita ko na sa bulletin board kung saan yung section ko.

 

Dumiretso na ako sa classroom at pagdating ko doon, lahat sila nakatingin sa akin.

 

"Pst! Dara!" boses palang kilalang kilala ko na. Classmate ko din pala siya, ayos na din para may kausap ako.

 

Nagpunta ako sa direksyon niya at uupo na sana ako sa tabi ni Rica nang may narinig akong bulungan. Bulungan pa ba yung matatawag? ang lalakas ng boses eh, badtrip!

 

"Bakit naman ganyan magdamit yang bago nating kaklase?" halata namang ako yung pinag-uusapan, ako lang naman kasi ang bago nilang kaklase.

 

"Hindi naman bagay sa kanya" pagkasabi nung isang babae yun ay nagtawanan sila. Hindi daw bagay sa akin? pinagloloko ba nila ako?!

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (19)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 1 (First day is annoying day)

Cast

Lee Hong Kias Lee Shone Carter
IUas Sandara Nam Reyes
Lee Soon kyuas Rica Chua
Yoo Seung Hoas Brian Chua
Nam Gyu-rias Lorica Highmore
Kim Bumas Joshua Chance
Jung Yong Hwaas Peter Lim
Seul kias Sophie Sanchez
Koike Teppeias Mico Yago
Kim Hyun Joongas Ej Lopez

Who's Reading

Recommended