19th.

256 15 7
                                    

19th.

"Esp, tara mag-movie?" Nanlaki ang mata ni Chelu nung niyaya ko siya.

"Seryosooooo? After 3 weeks, nagyayaya ka? Humaygad! Friends!!!" At nageskandalo na nga po ang bestfriend ko.

Free ako ngayon after class. Tumawag si Aya, sabi niya pinalabas na raw si Xander sa ospital, pero kinuha sya mg family niya at isinama sa isang family trip. 1 week daw sila dun, para malibang naman daw si Xander.

Ibig sabihin, makakapagpahinga ako sa loob ng 1 week. Namimiss ko na rin kasing kasama sina Chelu.

"Tadaaa! Tara na, Esp? Ay, sama raw si Ivan ah, bored na raw siya e." Oh...

Syempre pati siya.

**

Hindi ko alam kung ako lang ba, o sinasadya talaga ng mga kasama namin na ihuli kami ni Ivan sa paglalakad. Sobrang obvious. Ugh.

Awkward....

"Ehem," Siya yung tumikhim. Hindi ko alam ang irereact. Nagpapahiwatig na ba siya na mag-usap kami? Hay.

"Ehem!" Tumikhim siya nang mas malakas.

"EHEM! EHEM! EHE--"

"Ano ba ang ingay mo!!" Sa totoo lang natawa ako sa ginawa niya. Papansin eh. Hahahaha.

Ngumiti siya sa'kin.

Awwwwww. Na-miss ko 'tong mokong na 'to.

Unti-unti, nakakapag-ingay na ulit si Ivan sa tabi ko. Habang papunta kami sa mall, hindi tumigil ang bunganga niya.

Fine. Hindi ako naiinis. Matagal din niya akong hindi nakulit.

Napaisip tuloy ako. Na-miss niya rin kaya ako? Papansinin ko muna siya. Okay lang naman siguro di ba? Kahit ilang araw lang??

Nagkasundo ang lahat na kumain na muna bago pumasok sasinehan, para raw focused kami sa movie. Nag-CR ako saglit, tapos pag-balik ko may iniabot na maliit na papel si Mona sa akin.

"Dyna, bunot ka oh, seating arrangement mamaya sa sinehan." Ay, taray.

Bumunot na nga ako. Tapos huling bumunot si Chelu.

"Ohhhh, talaga? Kayo ni Ivan ang magkatabi? Wow ang galing naman. Hohoho. Oh tara na guys excited na 'ko manuod!" Lahat nagmadali na papunta sa pila ng tickets.

"Hoy." Sabi ko sa katabi ko.

"Yes beybeh?"

"Ulul. Planado 'to 'no."

"Wahaha. Grabe nahuli mo pala."

"Duuuuh."

"Yaan mo na. Na-miss kaya kita."

"...."

Hinila niya ako papunta sa pila. Gently, of course.

Nang makapasok kami sa loob, medyo iba yung atmosphere.

"Ooh. Puro couples dito ah." True. At kung titingnan, patas din ang bilang ng lalaki at babae sa aming magkakasama.

"Okay lang! Di naman tayo OP, bwahaha. Upo na guys." Umupo kami sa balcony. Mas comfy rito e.

Namatay na yung mga ilaw, magsisimula na ang movie. Sa pagkakaalam ko, love story 'to tapos medyo tragic ang dulo. Nacurious ako, ganda kasi ng twist nung binasa ko ang summary.

Hindi ako masyadong nakapagconcentrate sa simula ng movie kasi yung mga katabi namin bulungan nang bulungan. Parang mga baliw.

Nung nasa kalagitnaan na yung movie, tumahimik na sila. Mukhang tutok na rin. Ang ganda na ng movie e. At lumalamig na rin sa loob. Maya-maya naramdaman ko na may nagpatong ng jacket sa balikat ko.

"Buti na lang pala hindi ko naalis sa bag ko 'to." Si Ivan pala.

"So, ibig sabihin kahapon pa 'to sa bag mo?"

"Oy oy, malinis 'yan. Oh baka naman gusto mo yakapin na lang kita? Mabango naman ako." Hindi ako sumagot, nag-focus na lang ako ulit sa sine,

BAKIT AKO NAHIHIYA????

Plus, I'm hearing giggles. Pakiramdam ko napapagkaisahan ako.

Ugh. Balik sa movie, Dyna!

***

Nasa climax na yung movie, malapit na rin sigurong matapos.

Grabe, nakakaiyak pala talaga 'to!! Kulang yata ang panyo ko! Eh kahit yung mga kasama ko iyak na iyak na rin, eh!

"Hoy Ivan, tao ka ba? Bakit hindi ka umiiyak????" Tanong ni Chelu kay Ivan. Napatingin ako sa kanya, at boom, wala kahit trace ng luha. Abnormal!! Walang puso!!

"Sus. Nakatulog ako kanina. Sayang nga e. Di ko pala naabutan yung climax." Naghikab pa siya. FAKE! Kahit 'di ako nakatingin sa kanya alam kong gising siya.

"Ay, wala kang kwenta, Ivan. Huhuhuhu" Nagpatuloy sa pag-iyak si Chelu.

"Oh. Panyo." Binigay sa akin ni Ivan yung panyo niya. "Mas kailangan mo 'yan, tsaka sus, di naman nakakaiyak yan eh. CR lang ako ah."

Tinanggap ko na lang kasi basa na talaga yung panyo ko.

***

Natapos ang movie at lahat kami pugto ang mata. Isa-isa na rin silang nagpaalam kasi medyo gumagabi na rin, si Chelu sinundo ng Mama niya.

Teka, asan yung mokong??

Pumunta ako sa may CR ng boys. Nandun siya, nakatayo sa may payphone.

Lalapitan ko sana kaso nakita kong nagpunas siya ng mata.

Umiiyak?

"Ivan??"

"Oh shit."Bulong niya. Pagharap niya, confirmed!! Umiyak nga!! Medyo napatawa tuloy ako.

"Ikaw, aasta kang astig, eh iyakin ka rin naman pala!!"

"Eh nakakaiyak naman talaga eh! Eh kung iiyak ako tapos umiiyak ka rin, sino magpapatahan sa'yo? Babalik naman dapat ako kaso nagtagal, maraming tao kanina.."

For a moment I was speechless.

"Tss.Ikaw ang dami mong arte. Tara, sabay na tayo pag-uwi."  Pinunasan ko yung pisngi niya gamit yung panyo niya. Hay. Loko talaga 'to.

Now, I know where those butterlies went.

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now