1: Oil and Water

357 12 7
                                    

Name: Dustin Andrei Fortela

Description: Messed up

Suicide mission: Loving his heroine.

***

Dear Aya,        

Yes, sumulat ako sa’yo. ‘Wag kang kilabutan, parang awa, tama nang kinilabutan ako sa sarili ko. ‘Wag mo ring isipin kung gaano kahirap para sa aking gawin ‘to, alam kong alam mong napasigaw ako ng Pucha dahil hindi ko mapaniwalaang ginawa ko ito. Alam naman nating parehong allergic ako sa mga cornyng bagay katulad nito.   ‘Wag mo rin sanang intindihin kung gaano kapangit ang sulat ko, alam ko na ‘yun sa sarili ko. Ang intindihin mo lang, sa’yo ko lang ginawa ‘to,  at mahal kita, seryoso.

Alam ko namang mahirap paniwalaan, kasi kakikilala pa lang natin. Gaano ba tayo katagal magkakilala? Ten months pa lang naman. Alam ko namang pinagdududahan mo ako, sabi mo pa nga walang basis ‘yang pagmamahal na sinasabi mo. Gets ko naman kasi kakaunti pa lang ang pinagsamahan natin. Walang wala kesa sa pinagsamahan n’yo noong mayabang na Lennard na ‘yun. Pero maniwala ka, seryoso talaga ako.

Last April, dinala ako nila Mom at Dad sa isang month-long outreach activity and immersion program kung saan magi-stay sa isang orphanage at tutulong sa mga madre sa pag-aasikaso ng mga bata.  Doon tayo nagkilala, siguro naman tanda mo pa. Alam mo bang noong araw na ‘yun, alis dapat namin papuntang Hongkong? Well, alam kong alam mo. But my point is, asang asa na ako, tapos ‘di naman pala talaga nila ako planong isama in the first place and worse, sa bahay-ampunan nila ako iiwan? Disneyland na naging bato pa!‘Di mo alam kung gaano karaming mura ang nasabi ko noon. Kung hindi lang nila ako tinakot na kukunin nila ‘yung kotse ko, hinding hindi talaga ako bababa ng sasakyan para sumama sa inyo ng orgmates mo. Pero buti na lang  pinilit at tinakot nila ako, kasi kung hindi, baka hindi kita nakilala.  You know what? That was my favorite torture ever. Kasi...kasi nando’n ka. Being with you there, is like finding heaven in hell.

Potek, ako ba talaga ang nagsabi no’n? Tingnan mong lakas ng tama ko sa’yo!

Oh, baka sabihin mo binobola kita. Kasi hindi naman totoong natuwa ako sa’yo noong unang nakita at nakasama kita. Alam naman natin ‘yun pareho. K, aminado naman akong asar na asar ako sa’yo noong unang magkita tayo. Asar ako sa’yo noon hindi dahil sa’yo mismo, kundi dahil ikaw ang torture instrument ng mga magulang ko. Normal naman yatang  hindi kita i-welcome with open arms. Understandable ‘yun oy.

The first week with you was a real torture, honestly. Una, kinuha mo ang iPad at cellphone ko, at ang malala pa, pati yosi ko! Sana ‘yung dSLR ko na lang ang kinuha mo, hindi ‘yung yosi ko. Ang laking parusa no’n aba. Pangalawa, hindi mo man lang ako inihanap ng komportableng kwarto. Hindi ko namang ginustong sumama do’n, bakit mo naman isinama mo ako do’n sa quarters kasama ng maiingay mong brods? Ang init-init do’n, ang kati pa ng kama ko! Pangatlo, pinwersa mo pa akong maging photographer ng activity n’yo. Hah, para namang orgmate mo ako? Pang-apat, pinilit mo pa akong makisama do’n sa mga pasaway na bata at ‘di makabasag pinggang mga madre do’n sa ampunan. Kung alam mo lang ang laking init ng ulo ko noon!

Oy hindi ako nanunumbat a. Sinasabi ko lang ‘yung pakiramdam ko sa’yo noong una. Inuulit ko, noong una. Baka naman pagdudahan mo na naman ‘yung nararamdaman ko. Pinapaalala ko lang, seryoso ako. Pramis.

The next  two weeks with you were surprisingly tolerable. Siguro kasi nag-sink in na sa aking wala na talaga akong kawala sa torture na ‘yun.  At hindi ko man naamin sa inyo, natutunan ko na ring mag-enjoy sa mga ginagawa n’yo. Ang dami ko ring naranasang bago do’n. First time kong magluto, maghugas ng mga pinagkainan, maglaba, at maglinis ng banyo. First time ko ring magturo ng mga bata, at mag-alaga ng mga taong hindi ko naman kilala. First time kumanta, sumayaw at magkwento para magpasaya ng ibang tao. Ibang klase ‘yun. Tapos, noong na-assign akong maging bantay nung pinakapasaway na bata sa ampunan, kahit asar na asar ako, natuwa pa rin ako kahit hindi halata. Kasi nakita ko sa kanya ang sarili ko. At dahil sa kanya, narealize ko kung gaano pa ako kaswerte kasi kasama ko ang mga magulang ko, at kahit kailan hindi nila ako sinukuan. At kahit hindi matanggap ng sistema kong gago, I can say that my immersion there was a life-changing experience.

LOCKED (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon