I Want A Gangster

34 1 0
                                    

Prologue

“You, shut up,” sabi niya habang nakatingin sa akin. Nanginginig na sa galit ang mga mata niya.

“Ang walang modo ng bibig mo, bukod don sinungaling ka pa at manyakis!” duro ko sa kanya. “Hindi ka ba nahihiya sa asal mo?! Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na gumalang lalo na sa mga babae?! Hindi ka ba nahihiya sa Nanay mo—” napatigil ako nang titigan niya ako nang masama.

Humakbang siya bigla, palapit na siyang ikinatakot ko. Tinitigan niya ako sa mga mata. Pakiramdam ko nakaharap ko na si Kamatayan at kukunin na niya ang kaluluwa ko.

“You.” Humakbang siya ng mas malapit. “What the f*ck did you say?”

“W-Wala kang m-modo—” ulit ko. WAAAAAHH!! Nakakatakot siya talaga! Ano ba ‘to?!

“Do you want to get beat?” tanong niya sa nakakatakot na tono.

WAAAAAAHHHHH!!!! >0<. Nakakatakot talaga siya! >0<; Pero hindi! Nandito na rin kami eh bakit pa ako aatras sa kanya? Siya ang may mali dito! At isa pa, hindi niya ako magagawang saktan! Nag-aral ako ng self-defense! At—At matapang ako! !!o(>__<)o!!

“H-Hindi mo ako madadaan sa pananakot mo! Y-YOU CHEATER! YOU TWO TIMER! YOU PIECE OF POOP!!”

Itinaas ko ang kamay ko at pumikit.

SLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAPPP!!!

Sinampal ko siya nang pagkalakas-lakas. Siguradong bumakat ang kamay ko sa pisngi niya.

Nagawa ko! Nasampal ko ang halimaw na ‘to! (*J-J*)

Natahimik ang lahat at hinintay ang reaksyon nung guy.

Hinawakan niya ang pisngi niy at *insert scary sound* matalim siyang tumingin sa akin. INAKUPOOOO!!!!!!!                 Hindi ako nakagalaw agad. Napako ako habang nakatingin sa umaapoy sa galit niyang mga mata. Pakiramdam ko nasusunog ako sa titig niya palang.

“Sam! Bakit mo ginawa yun?!” narinig ko na tanong ni Michie na halatang nagpa-panic.

Bago pa ako makasagot hinila na niya ako at tumakbo kami palayo sa dalawa.

Nilingon ko naman yung lalaki na nasampal ko.

(_.__”) Sana hindi na lang ako lumingon. Mukhang magkakaron ako ng nightmare mamaya. Isang bangugot kung saan cho-chop-chopin niya ako ng buhay. –Nang makalayo na kami ni Michie, hinihingal kaming tumigil. Nakita ko sina China at Maggie na may hawak na cellphone at tumatawa. Lumapit kami ni Michie sa magkapatid at sabay-sabay kaming lumabas ng mall.

Natigil ako sa pagbabasa ng biglang sundutin ako ni EdJohn sa tagiliran ko.

“Dagul!!! Istorbo ka!!!” singhal ko sa kanya.

Umupo siya sa may harap ko sa tabi ni Junielle. “Ano nanaman ba kasi yang binabasa mo?”

“Ano pa nga ba?! Eh di TALK BACK AND YOU’RE DEAD nanaman!!! Wala naman ng nagbago eh!” sabi ni Junielle.

Tae! Pagtutulungan nanaman nila akong dalawa eh noh?! Hindi na talaga sila nagbagong dalawa.

“Ilang beses mo na bang nabasa yan?” tanong ni Ed John sabay kuha dun sa piatos na kinakain ko.

“16!!! Hahaha!” masaya kong sabi sabay takip nung libro sa bunganga ko.

Hindi ba obvious?! Paborito ko kayang number 16!! Hahaha!

“Hindi na talaga nagbago!” sabi ni Edjohn sabay paikot ng eyes. Mga trip niya! Para siyang babae!

“Alam mo kung ako sayo Johlie,” umpisa nanaman ng sermon ni Juke. “Ititigil ko na ang pagbabasa dyan sa Talk Back and You’re Dead na yan! Alam mo kung bakit? Kasi kahit na kailan hinding hindi ka makakahanap ng lalaki na gaya ng dyan sa libro! Kaya nga libro yan diba kasi fictional? As in kathang isip lamang!”

“Eh hindi naman kasi imposibleng mangyari din to sa tunay na buhay noh! Malay niyo kaya nasulat to ni Alesana Marie kasi may experience siya sa mga gangster o di naman kaya yung kaibigan niya!” katwiran ko sa kanya.

“Imposible talaga yang sinasabi mo Johlie!” sabi ulit niya.

“Hindi nga sabi siya imposible!”

“Hayaan mo na nga siya Juke! Makakahanap din yan ng gangster niya! Pag hindi yan nakahanap ako maghahanap para sa kanya! Ano insan?!” sabay apir kami ni Ed John.

Naagkakasundo talaga kaming dalawa kahit na sa ganitong mga bagay! Isang patunay na hindi lang sa basketball kami nagkakasundo.

Ako nga pala si Johlie Mae Tumacder Galzote. 18 at second year college Tourism student. Dahil kay Xyrene nabasa ko ang TALK BACK ANG YOU’RE DEAD at nakilala ko si TOP. Simula nun hindi na ako tumigil na nangarap na isang araw makakakilala din ako ng TOP ko at babaguhin ko siya in the sake of love! Ayiiee!!! Kinikilig si ako pag naiisip ko yun!!!!

I want TOP. I want someone like TOP. I want someone that will change because of me and because of love. I WANT A GANGSTER!!!!

Pagnakahanap ako ng isang gangster babaguhin ko talaga siya! Syempre noh! Mahal nga niya ako diba kaya nga magbabago siya. Parang si TOP lang yan!!!  Gusto ko talaga ng gangster =(. I really want one!!!

I WANT A GANGSTER…

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Want A GangsterWhere stories live. Discover now