THIRTY NINE

397K 5.5K 279
                                    

@mithchyred19, hi thanks for reading!

CHAPTER THIRTY NINE


LARA

"Mom, Dad, where are we going?" excited na tanong ni Ethan na nakaupo sa backseat ng kotse.

"Where do you want to go, big boy?" tanong naman ni Enrique, na kasalukuyang nagda-drive. "Mall Daddy!" masayang-masayang sigaw nito. "Then we'll go to Mall." nakangiting anunsyo ni Ric.

"Yey, Mommy, I want to ride a helicopter."

"Sure, sweetie, but we will eat our dinner first, is that okay?"

"Sure Mommy," masigla pa ding sagot nito. "What do you want to eat?" tanong ko dito. "I want pizza Mommy," excited na sagot nito. "Sure Sweetie."

Papunta kami ng Mall ngayon, pagkagaling kasi namin ni Enrique sa office kanina ay dumiretso na kami ng bahay to pick-up Ethan, hindi ko na sinama yung bantay nya, kasi mas gusto ko sa mga gantong lakad hands-on ako kay Ethan.

Nagka-ayos na kami ni Ric kanina, ganun lang siguro pag mag-asawa, normal lang yung tampuhan tapos konting lambing lang, magbabati na.

-----

"We're here," masayang anunsyo ni Enrique. Tuwang-tuwa naman si Ethan at gustong-gusto nang lumabas ng saaakyan.

"Ethan," malumanay na pagsaway ko dito. "Wait your Dad okay?"

Tumango naman ito at umupo ng maayos, ang maganda kay Ethan ay yung kahit makulit sya madali naman syang magpapasaway.

"Come on big boy," pagyakag ni Enrique sa anak nya, lumabas na din ako at sinundan sila, buhat nya si Ethan on his right hand tapos hawak nya ang kamay ko sa left hand nya, nakasandig pa ang ulo ko sa braso nya.

And I can see people, na tumitingin sa'min, nai-isip siguro nila that we are a perfect family.

We end up to a fine dining restaurant na nag-o-offer ng pizza and pasta, nagke-crave kasi ako sa pasta nung mga nakakaraang araw, I don't know kung bakit, hindi ko alam if it's the hormones, kasi supposedly dapat parating na yung period ko or we have something to wait.

Hindi ko pa alam, kasi ayoko pang mag-built nang conclusions. Pero kung meron nga, that would be a blessing, though, pakiramdam ko, I am not yet ready, bukod sa stressing months, may trabaho pa akong ina-asikaso.

"Anong ini-isip mo?" pagbasag ni Enrique sa pananahimik ko.

"Nothing, na-isip ko lang yung mga pinipirmahan ko sa office."

Humalik ito sa noo ko and said. "I told you, it's our family bonding, business is not part of it, so wag mo muna yung isipin." ngumiti ako sa kanya ng matipid at pinagpatuloy ang pagkain, Ethan is enjoying his dinner, at wala nang pakialam sa'min, ganyan nya kamahal ang pizza.

After 30 minutes siguro ay natapos na kaming kumain, at naglakad-lakad muna kami, nagturo pa kasi si Ethan ng chocolate ice cream at binilhan agad ng ama nya, bawal kasi yun sa arcade, so nag stroll muna kami para ma-ubos nya ang ice cream nya.

"Ric," napatingin ako sa babaeng naka-shades na papalapit sa'min, seriously? Gabi na at nasa mall pa sya, pero ganyan ang pormahan nya, naka-white and black maxi-skirt sya and she is carrying a black tote bag.

She looks familiar, tapos nung nakalapit sya, inangat nya ang suot nyang shades. "I'm not mistaken, it's you Ric."

"Racel," bati ni Ric dito, "Who's with you?" tanong nya na tumingin sa likod ni Racel. Ang kapal ng make-up nya para syang sa-side line.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon