Last Special Chapter: Casimir & Alex

62.1K 1.5K 279
                                    

What can I do? I was just in love.

After ng vacation trip namin ay agad kaming nakahanap ng trabaho, hindi naman mahirap dahil maraming connection sina Papa. Ayokong mapalayo siya sa akin kaya sinabi kong gusto ko na sa iisang company lang kami, ang maliit na bagay na 'yon, pinag-awayan pa namin.

"Casimir, 'di ko feel environment diyan, feeling ko masiyado kayong magagaling diyan." Depensa niya.

"Magaling ka rin naman ah!"

"Oh c'mon," she rolled her eyes. "Kumpara sa'yo, kalahati lang o wala pa nga siguro ako sa kalahati ng kagalingan mo eh."

Napapalo ako sa working table niya. "Why do you have to compare yourself? Magta-trabaho lang tayo do'n hindi makikipag-kumpitensiya."

Lumapit siya sa kama niya at binagsak ang sarili doon. "A-yo-ko. Bahala ka nga diyan." Hinila niya ang isa niya pang unan para yakapin at umastang matutulog na.

I can't believe her. Bakit ba ayaw niya do'n? Maganda at malaking architectural firm na 'yon, ayaw pa niya? Naghihintay pa siya na tawagan ng mga in-apply-an niya eh ito na nga oh, magpapasa lang kami ng resume tatanggapin na kami. Damn it.

Pabagsak akong nahiga sa kama niya at inakap siya nang mahigpit. “Please? Be with me.”

Umikot siya para humarap sa akin. “Bakit ba kasi? Ayoko nga do’n eh.”

“Ayaw mo ba ‘ko kasama sa trabaho ha?”

She pouted. “Puro kayo magagaling do’n and I am just an average architect.”

Kumalas ako sa yakap at lumayo sa kaniya. “Well, you just offended me babe.”

She’s not an average architect. Damn it. She’s more than that. I felt like I failed in making her feel that I love her. Ang gusto ko kasi maramdaman niyang she’s unique, maramdaman niyang magaling siya, maramdaman niya ang suporta ko sa kahit na anong gawin niya pero mukhang hindi ko naman ata nabu-boost ang confidence niya.

“Sige, uwi na ‘ko,” paalam ko. Bago ako lumabas ng kwarto ay may pahabol pa ako sa kaniya dahil kahit naman may ‘di kami mapagkasunduan ay hindi pwedeng matatapos ang araw na hindi ko nasasabi sa kaniyang mahal ko siya. “Sweetdreams, Architect Laxamana.”

Months passed at sinusundo ko siya palagi sa bahay nila para sabay kaming papasok sa trabaho. Ako pa rin naman ang nanalo dahil magkasama kami sa trabaho! Kaya ko lang naman siya pinipilit kasi gusto ko siya kadikit ko lang siya, takot akong baka may makilala siyang iba sa papasukan niya, ayaw ko mangyari ‘yon. Ayaw kong may makilala siyang iba, ayaw kong makita siyang masaya kasama ang iba, ayaw ko… ayaw ko!

Hindi rin naman niya natiis ang pagtatampo ko kaya napapayag ko siya. Lagi na nga akong magtatampo para napagbibigyan ako.

So far masaya ako sa trabaho ko dahil ito naman ang gusto ko eh, kaya nga I took Architecture at masaya ako dahil kasama ko ang girlfriend ko. Madalas din kaming tanungin ng workmates namin kung kailan kami magpapakasal.

“Ewan ko diyan kay Casimir, ayaw ata akong pakasalan eh.” ‘Yan ang madalas niyang sagot sa kanila which I find irritating. Alam kong mayaman kami at may pera kami pang-kasal pero siyempre kailangan pa rin namin pag-ipunan ‘yon, we must be ready. One should not just be emotionally wise in making a choice but should also consider the smartest choice.

At gusto ko rin na bago kami magpakasal ay mayroon na akong napatunayan, yeah male ego’s still in the middle of everything. Naghihintay na lang naman ako na may dumating na life changing event para masabi kong pwede na, na ready na kami para sa bagay na ‘yon.

Hinatid ko muna sa table niya si Alex which is four-office cubicle away from me. I kissed her cheek.

Hindi pa nag-i-init ang pwet ko sa pagkakaupo ko nang ipatawag ako ng boss namin, which is a family friend. Tamad na tumayo ako at pumasok sa opisina niya.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon