Author's Note 2

27.4K 334 127
                                    

Hi po :)

Salamat po sa lahat ng nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa nitong Marikina Horror Stories. Sobrang nakakataba po ng puso ang lahat ng comments ninyo. Hindi ko po inasahan na mangyayari ang lahat ng ito. 

Hindi ko po alam kung paano sasabihin, pero masayang-masaya po akong ibalita sa inyo na ang Marikina Horror Stories ay magiging isang libro na. Utang na loob ko po sa lahat ng readers ang lahat ng blessings na dumating sa akin. 

Noong una ay nahihiya akong ipaalam na mapa-publish na siya kahit first week of July pa lang ay nakapirma na ako ng agreement sa isang publishing company. Natatakot lang kasi ako na baka may mag-reklamo at mag-rally sa tapat ng bahay namin, wala po kasi kaming gate. HAHA

Seriously, ewan ko kung bakit nahihiya ako. Aminado naman po kasi akong hindi ako magaling kagaya ng iba. Madami po akong kahinaan pagdating sa pagsusulat at handa pa akong matuto. Pero may nagsabi po sa akin na hindi naman masamang ipaalam sa readers na mapa-publish na siya, early promotion na din daw po kasi. 

Sana po ay suportahan ninyo pa din siya kapag naging ganap na siyang babasahin. Sana bumili po kayo kapag available na sa bookstores ang librong hindi kagandahan pero puwede na. HAHA

Thank you nang marami.

-PagOng1991

Marikina Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon