BTT-56

3.2K 62 9
                                    

Dabi's POV

Nakaupo akong naghihintay dito sa may bus stop habang sinusuot ang shades ko. Mataas ang tirik ng araw at eto yung unang araw na magdedate kami ni rence. Kinakabahan ako dahil baka mahuli kaming magkasama ni dustin o di kaya ni hachi o nila kuya. Hindi pa rin talaga maayos ang takbo ng buhay ko dito ngayon.

* Flashback*

Hinampas ko ng mahina ang braso niya. “ Haha! Masyado pang maaga okay? Hindi pa nga nagiging tayo. Kasal agad? We have all the time in the world rence.. We need to fix things up first.”

Bumuntong hininga siya saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. “ Lets have our first day of courting you tomorrow or maybe I should consider it as a date..”

*End of Flashback *

Rumehistro ang ngiti ko habang iniisip yun. Finally, magdedate na rin kami ni rence. Suot suot ko yung tshirt na binigay sa akin dati ni denise nung ipinagcheer namin ang elemental twins. Nahihiya pa nga ako e kaso pakapalan na ito ng mukha.

Napatingin ako sa orasan. 10Am na wala pa rin si rence. Hmmm. Tumingala ako sa araw, ang sakit sa mata kahit nakashades. Malamang! Pagkatapos kong masilaw e hindi ko mapigilang masilaw ulit dahil may papalapit sa aking hulog ng langit! Nakasuot siya ng blue na tshirt pagkatapos ay nakapants lang din wearing his new Adidas shoes.

Malalaglag na yata ang panty ko! Teka, hindi ako makahinga! Ang gwapo ng kadate ko. (*>o<)

Parang nagslowmo yung mundo ko nung tinanggal niya yung shades ko pagkatapos ay hinalikan ako.

“ Goodmorning..” Nahagip ng tingin ko yung mga kasabay ko dito sa bus stop at lahat sila napanganga yata sa ginawa ni rence. ASDFGHJKL!

“” Goodmorning too.” bati ko sakanya. Sinuot niya naman ang shades niya sa akin tapos ang shades ko sakanya.

“ wala manlang bang endearment?”

“ Ha?”

tapos bumulong siya. “ halikan mo ulit ako kapag nabanggit ko yung gusto mong itawag ko sayo. “ tapos angsmirk siya at napanganga na naman ako ulit. Ang aga-aga palang nagiging kissing monster na siya. Kinikilig na kaagad ako.

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon