36 - Reunion

533 9 1
                                    

Chapter 36

Reunion

Kahit isang pilantik ng daliri ay hindi ko magawa. Tinanong niya ako kung gusto ko bang tumakbo kasama siya. Hindi niya ba alam kung ano ang sinasabi niya? Maiiwan ang pamilya namin, maiiwan sila bes, hindi pwedeng ganoon. Nahihibang na ba siya?

Hala siya, okay ka lang?!” napasigaw ako nang bigla niya akong binuhat. “Hoy, saan mo ako dadalhin??

Pinadyak-padyak ko na nga ang aking mga paa pero parang wala lang sa kanya. Natutunaw ako sa pagngiti niya kahit nakakaloko na, “Ayaw mo sumagot. E ‘di gagawa ako ng paraan para maibigay mo ang ‘oo’ na hinihiling ko.

Iniwan niya ako dito sa kotse niya at chinild lock pa niya ‘yung mga pinto. “Tss. Nakakaasar. Pwede namang daanin sa maayos na usapan?” kinain ko ang sinabi kong iyon nang maalala kong ako nga pala ‘yung hindi makausap ng maayos.

Ano bang binabalak nitong lalaking ‘to? Subukan niya lang na tuluyan akong ilayo sa mga mahal ko at makakatikim talaga siya ng super duper ultra mega high kick sa akin. Itatama ko talaga sa mukha niya para hindi na ako kiligin kapag nakikita ko siya.

Nakakainis naman. Ang sarap hugutin ng ngala-ngala ng mokong na ‘to. Kung maka-speech kanina akala mo naman non-existing ang Tagalog na wika. In fairness, muntik nang malaglag ‘yung matres ko sa kilig. Makalaglag panty nga naman kasi ‘tong si Dominick. Pwede na nga siyang magsulat ng libro kung paano magpakilig ng babae e.

Nakakairita dahil wala akong kalaban-laban sa charisma niya. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya kapag nakikita ko siya. Malaman ko lang na nasa iisang lugar kami ay hindi ko mapigilang sulyapan siya maya’t maya. Siya lang ang lalaking nakapagpangiti sa akin ng ganito, ‘yung tipong kahit hindi ko siya kasama ay kayang-kaya ko siyang palitawin sa isip ko, 3D pa.

Teka, maleta ko ata ‘yun a? Kinatok-katok ko ang bintana pero dinaanan niya lang ako at itinuloy sa compartment ang mga gamit ko. Napabuntong-hininga naman ako at napalagay ng braso sa aking dibdib. At lalo akong nawindang sa nangyayari nang makita ko si bes sa hindi kalayuan. Hala? Nag-flying kiss pa ang lola ko? Ugh! Hindi ako natutuwa, wala akong kamalay-malay sa nangyayari. Magkasabwat ba sila?

Pumaosk na si Nick sa kotse at pinaandar ang makina nito. “Let’s go spend the night somewhere else.

Sorry Lord, iba po ‘yung naisip ko sa sinabi niya.

Bakit ayaw mo akong tignan?” tanong niya. Nakatingin lang kasi ako sa view ng bintana ko.

Don't act like it's a bad thing to fall in love with me

'Cause you might look around and find your dreams come true, with me

Ayan na naman at kumakanta na siya. Ang sarap sa pandinig ng kanyang boses, very warm and comforting. Mayaman sa tamang nota ang pagkanta niya, masyadong malakas ang dating nito kaya nanghihina naman ako.

Hindi ko mawari kung bakit kahit ganito na kalaki ang problema naming dalawa ay nagagawa niya pa ring tanggalin ang stress na kanina lang ay sobrang bigat sa aking pakiramdam. Para siyang Wattpad, siya ‘yung app sa phone mo na gustung-gusto mong buksan kapag nababagot ka na kasi alam mong once na pindutin mo ang icon na ‘yun ay maraming naghihintay na istorya sa reading list mo. Si Nick naman ‘yung tipo ng tao na excited kang mapakinggan kung ano ang sasabihin niya dahil alam mong may panibagong pag-asa siyang maibibigay sa’yo lalo na sa mga oras na dapat ay pasuko ka na.

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon