KABANATA 13

44.9K 596 49
                                    

Luke's P.O.V.

"Anong nag-resign?" kagulat-gulat na reaksyon ni Tristan nang ibinalita ko na ang pagre-resign ni Benj sa pinagtatrabahuhan nitong Radio Station. "Hindi s'ya nag-resign...nasibak!"

"Nasibak? Bakit? Dahil sa pag-aabsent?"

"Isa na 'yon, pero hindi lang 'yon."

"Eh ano?"

Sa halip na sumagot agad, huminga muna ito ng malalim. "May humingi kasi ng 'love' advice sa kanya sa ere."

"So? Eh part naman 'yun ng trabaho n'ya ah."

"Patapusin mo kasi muna ako." Nakasimangot ito.

"Sige go!"

"Bukod sa mainit na talaga ang dugo ng boss n'ya sa tardiness n'ya," anya, "may sinabihan daw itong dalawa sa mga callers n'ya, na magpakamatay na lang sila. Na kung gusto pa nga raw ng mga ito, s'ya pa ang bibili ng blade, lason at lubid."

"Eh hindi ba, madalas naman s'yang magbiro nang ganun ah. Lalo na do'n sa makukulit at walang kuwentang kausap na callers?"

"Iba naman kasi 'yun, pabiro 'yung pagkakasabi n'ya do'n no'n. Nitong last time kasi, seryoso na s'ya na may kasama pang pagmumura sa ere. Nagpalala pa sa sitwasyon nang sinabi n'ya do'n sa pinakahuling caller na...'actually, magpapakamatay na rin ako mamaya, kung gusto mo, sabay tayo.'"

"Seriously?"

Tumango si Tristan. "Yes."

Tarantadong gago! Nasira na yata talaga ang ulo. Para namang masusulusyunan no'n ang pagkawala ni Mitch?

"Kamusta naman 'yung pinuntahan n'yong kamag-anak no'ng isang araw?" tanong ko, "Pumunta ako rito, wala ka raw. Doon ka raw pumunta."

"Don't ask." Anya, "Na-bad trip lang kami dahil wala naman palang sakit 'yung sinasabing may sakit. Nagpapapansin lang. May dementia na kasi. Sa sobrang inis nga ni erpats, lumuwas din ulit kami paluwas kinahapunan."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Napatawa ako at napailing.

"Bakit mo nga pala ako hinahanap?" dugtong n'ya.

"Wala naman, para lang sana may kasama ako papunta kina Jason nung araw na 'yon."

"Eh ngayon? Ano ang pakay mo ngayon at napadalaw ka?" nandirito kasi ako ulit sa bahay nila.

"Habang nagtatagal kasi pare, parang mas lalo akong nag-aalala sa kalagayan ni Mitch."

"Welcome to my world, Luke." Anya, "Dahil ganyang-ganyan din ang pag-aalala ko kay Rhea."

May sasabihin sana ako nang may biglang kumalabog sa hindi kalayuan. Kasalukuyan kasi kaming nasa salas nina Tristan.

"Ano 'yun pare?" sabi ko habang iniikot ko ang mga mata ko.

"Ang alin?"

"Yung kalabog. Hindi mo ba narinig?"

"Hindi."

Hindi? Eh ang lakas no'n ah. Maihahalintulad nga ang tunog na 'yun sa nalaglag na mabigat na bagay sa kesame.

Walang KawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon