Prologue

15.7K 252 4
                                    

"HUDAS KA!"Walang pakialam si Karla kung marinig man ng buong bayan ang sigaw niya basta't maiparating nya lang ang kanyang galit ngayon sa walanghiyang lalaking ito!

"Wala akong pakialam sa opinyon mo, ineng"nanunuya pang balik nito habang isinusuot na ang t-shirt.

She can't believe that she just gave her virginity to that farmer! A farmer for Pete's sake! Paano kung mabuntis siya nito?! Ano na lang ang gagawin niya?!

"Paalam"sabi pa nito at sa panggigigil niya ay dinampot niya ang 4-inch high heels niya mula sa sahig at ibinato dito.

Pero bago pa maglanding iyon sa likod nito na syang target niya, mabilis na itong nakalabas at isinara ang pinto na syang natamaan ng high heels niya. At talunan ang high heels niya laban sa pinto. Sira na ito nang bumagsak sa sahig.

‘Oh my poor high heels..Kawawa ka naman, parang ako!’At sa isiping iyon ay gusto na niyang mapangawa.

Ang akala ni Karla ay iyon na ang pinakamasayang gabi sa buhay niya. Binigay niya ang virginity niya kay Rafael, ang agriculturist na anak ng isa sa mga kilalang magsasaka sa bayan ng San Carlos, ang kasalukuyang project niya. Inatasan siya ng boss niya na bilhin ang malaking parte ng lupa sa bayang iyon para pagtayuan ng isang malaking mall habang may iniimbestigahan din pala ito sa sariling kompanya at sa bayan na iyon.

At doon, nakilala niya ang nuknukan ng macho at gwapong si Rafael. Unang kita pa lang nya rito ay kinilig talaga ang petals niya! Kung bakit kasi hawig nito ang pantasya niyang si Jacob Black!

Ayun tuloy ang inabot niya! Hindi lang palay at kamatis ang naharvest nito kundi pati ang pagkababae niya!

“Gusto ko lang iparamdam sayo ang gagawin niyo sa bayan namin pagkatapos niyong sirain ito. IIWAN”mariing sabi nito bagama’t nakangiti bago siya nito iwan, ilang minuto lang pagkatapos nilang mag*tooooooooooot*

“Humanda ka saking barabas ka!”At nang oras ding iyon ay isinumpa ni Karla sa sarili na gagantihan niya ito, at syempre, sisiguraduhin din niyang maisasara niya ang San Carlos deal.

-

Dedicated to Miss Bonitababyy, one of my favorite authors here in wattpad :>

The San Carlos DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon