Chapter 4 - Some things may change but some other things may not

14.2K 356 70
                                    

Hindi ko alam ang balak niyang gawin pero sumunod lang ako sa kanya. Madilim ang lugar na nilakaran namin at meroon lang maliit na ilaw sa hallway. Nakahawak ako sa damit ni Puti dahil madilim at ayokong maiwan mag-isa.

Natapos na ang mahabang lakarin at mas lalong madilim sa loob. Humawak ako ng mahigpit sa damit niya at lalong lumapit. Ano bang balak na gawin nitong lalake na ito?

May narinig akong 'click' na sunud-sunod at halos mabulag ako sa sabay-sabay na pagbukas ng ilaw. Napatingin ako sa paligid at natanto ko na kung nasaan kami. Nasa malaking oval na track and field kami at ang gitna ay parang laruan ng softball o baseball.

"Anong gagawin mo rito?"

Ngumisi lang siya sa akin. Akala mo naman na maiintindihan ko ang ibig sabihin ng pagngisi niya sa akin.

"Stay here, okay?" Sabi niya sa akin na nakataas ang kilay.

"Hi-hindi ka naman tatakas at iiwan ako mag-isa rito 'di ba?"

Tumawa siya ng malutong na pagtawa. Totoo naman. Ginawa na niya iyon sa akin. Tanda ko pa dati ng mga bata pa kami naglaro kami ng taguan at itong si Ezekiel ang nagsabing magtago raw ako sa may bodega para hindi ako makita agad kasi kahit anong gawin ko noon lagi akong nakikita at natataya, ayoko pa noong una na sundin siya pero sabi niya sasamahan niya raw ako. Sinamahan niya nga ako pero mabilis lang tapos sabi niya titingnan niya sa labas kung nandoon na iyon taya pero sa huli sinadya niya akong iniwan mag-isa. Iyak kaya ako ng iyak noon dahil hindi ko mabuksan ang pinto ng bodega. Sinusumpa ko talaga si Ezekiel noon mga panahon na iyon.

"You haven't changed at all." Sabi niya na para bang nanloloko. Hindi niya alam na isa iyon sa pinakatraumatic na experience ko noon bata.

"Parang ikaw may nagbago ba? Wala naman eh. Lumaki ka lang pero bully ka pa rin."

"Hay... Magbibihis lang ako. Oh eto car keys at hand phone ko para matahimik na ang utak mo". Inabot niya nga sa akin ang susi at ang hand phone niya. Napangiti ako.

Tiningnan ko lang ang likod ni Puti na may dala-dalang sports bag. Sabi niya lagi daw siya may dalang bag ng damit at sapatos sa sasakyan kahit na noon nasa Australia pa siya. Hindi niya daw kasi alam kung kailan niya kakailanganin ng pamalit.

I tried recalling his face when we were younger. Inspite ng gwapo niyang itsura noon bata siya nababalik alaala kung gaano siya katarantado dati. Tatlong taon ang tanda ni Ezekiel sa amin ni Eli kaya sunud-sunuran kami sa kanya. Lalo na ako lagi niya akong pinagtitripan at laging inuuto-uto. Buti na lang nandoon si Kuya para kontrahin siya.

Madalas din mapaaway si Puti. Natural na basagulero. Natandaan ko dati na laging may bangas siya sa mukha tapos si Tita Ruth mapapaiyak na lang sa kalokohan niya. Noon panahon ata na iyon na nagsimula siyang magrebelde. Hindi ko alam kung nagpatuloy ba siya ng ganoon buhay niya noon nagpunta siyang Australia. Pero kung titingnan ko siya ngayon mukhang mas maayos na siya. Mas mukha na siyang kagalang-galang at disente. Siguro nga nagbago na siya. Iyon nga lang tumatak na ata sa akin na masama ang ugali niya.

Narinig ko na lang ang pagkalam ng sikmura ko. Gutom na ako. Hindi pa pala ako naghahapunan. Naalala ko na naman ang ginawa ko kanina. Halatang-halata ang mga palusot ko. Hindi naman kasi talaga ako sanay na magsinungaling. At isa pa hindi bukal sa loob ko ang pinagawa ni Hannah.

Kahit ano naman hilingin ni Hannah gagawin ko basta kaya kong gawin at bukal iyon sa kalooban ko. Pero hindi ko lubos maisip na ibigay si Eli. Kaso hindi naman para sa akin si Eli para ibigay o hindi. Hindi ko naman siya pag-aari. Kung pwede ko lang sabihin kay Eli na huwag gustuhin si Hannah gagawin ko pero mali iyon. Atsaka palagay ko isang date lang ang kailangan at magugustuhan ni Eli si Hannah ng husto. What is not to like in Hannah? Nasa kanya na ang lahat. Unlike me.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon