Kabanata Apatnapu
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi pa din ako kinakausap ni Tamadao. Nung pumasok ako sa kwarto lumabas siya tapos mga dalawnag oras din siyang nawala. Akala ko nga magpapaiwan na siya dito sa Vegas kasi babalik na kami dapat sa Maynila. Pero bumalik siya after 2 hours at niligpit ang gamit niya. Habang ginagawa niya yun hindi pa din niya ako kinakausap at hindi na talaga ako mapakali.
Patingin tingin ako sa kanya habang nagliligpit ako at habang nagliligpit din siya.
At nung hindi ko na matiis ang sitwasyon, agad kong isinara ang bag ko at tumayo para lumabas ng room. Oo gusto kong magkausap kami pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Naguguluhan talaga ako. Pero in part nagiguilty ako sa ginawa ko sa kanya. Ayyy naman! Fuck this! Nagiging emo na naman ako. Ginulo ko na lang ang buhok ko at naglakad papuntang pinto.
Pero bago pa ako makarating. May humawak na sa braso ko. Hindi ko na kailangang manghula kung sino kasi dalawa lang naman kami dito sa kwarto. Napatigil ako sa paghakbang at lumingon sa kanya. Pero bago ko ginawa yun huminga muna ako ng malalim.
“3 months.” Sabi niya sa akin. My brows furrowed. Anong 3 months ang pinagsasabi niya?
“Just 3 months Yannie.” Nakahawak pa din ang kamay niya sa braso ko tapos yung isang kamay niya nagkamot sa batok niya.
“Kung natatagalan ka sa 3 months, make that 2 months. I’m aminable to that.” Lalong kumunot ang noo ko. Hindi ko kasi maintindihan.
“Anong 2 months and 3 months Tamadao?” Umiwas ako sa tingin niya. Para kasi akong malulunod sa tingin niya sa akin ngayon. At isa pa ayaw kong makita ang lungkot sa mga mata niyang cute.
“I know how you feel about this marriage. I know your doubts about me, I know that you are shocked. Hindi kita masisisi. Lumabas ako kanina to think things over. Ayokong magdesisyon, na hindi muna pinag iisipan ang lahat. I don’t want to talk to you when I’m that mad. I must admit na nagalit ako sa reaksiyon mo. I was mad and hurt na gusto mo na agad na magdivorce tayo ni wala pang 12 hours tayong kasal. But I understand how you feel. That’s why I’m asking for 2 to 3 months from you. Let’s try to make this marriage work. Even for just 2 months. Please Yannie.” Napatulala lang ako sa kanya. Napatulala ako sa sakit na nakikita ko sa mukha niya at napatulala ako because Tamadao Sia is practically begging me to give him a chance. Kulang na lang lumuhod siya sa harap ko, pero paabutin ko pa ba sa puntong iyon?
“Ayokong magsasama tayo just because sinabi ng Daddy mo. I don’t want to bind you to tradition. Ayokong napipilitan ka lang na pakisamahan ako dahil magagalit ang parents mo. I want you to stay married to me because you want to.” Nakatingin lang ako sa kanya. Naninikip ang dibdib ko kasi ramdam ko na nahihirapan siya. Sobra sobra ko na ba siyang nasasaktan.
“Yannie, just give me this two months to prove to you na hindi na kita sasaktan ulit.” Oh my God! Wag kang umiyak sa harap ko at baka hindi lang dalawang buwan ang ibibigay ko sayo. Nakikita ko na namumula ang pisngi niya and his eyes are watery. Ilang beses din siya lumunok siguro para pigilan ang emosyon niya.
“Tamadao…” Pero hindi niya ako pinasalita.
“If in those two months, we didn’t work out and hindi mo pa rin ako mahal, at may doubts ka pa din sa akin then ako mismo ang magpaprocess ang divorce papers natin.” Anong pinagsasabi niyang hindi ko siya mahal? Did he really think that way? Sapakin ko kaya siya? Pero hindi ko yun magawa kasi seryoso siya eh.
“Yanyan, during those months I’ll do everything to make you fall for me again. I'll make you love me more than you love me before. That you will have no choice but to fall for me head over heels all over again and this time I will not make the same mistake.” Sa tingin ko pulang pula ako sa sinabi niya. I was overwhelmed by what he just said. Parang nagdeclare siya na ibibigay niya ang buong mundo sa akin. His voice is full of conviction. His eyes full of promises.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists