Chapter 17

30.4K 897 147
                                    

“Bigtime pala ‘tong na-preso natin.”

“Hindi ko alam na magkakilala pala sila.”

“Siya pala ang bagong girlfriend niya.”

“Hindi niya ako girlfriend, noh!” Pagtatatama ni Richelle sa mga student police na nag-uusap tungkol sa taong dumating para pagpyansahan siya. Kung ma-chismisan, akala mo ay wala yung taong pinagchi-chismisan nila. “Mag-bestfriend lang kami ni Shane.”

Nagulantang kasi ang lahat ng organizers ng jail booth dahil sa pagdating ni Shane Venavidez.

“Ano bang kaso nitong kaibigan ko?” Tanong ni Shane sa nagsisilbing chief ng jail booth. Hindi mawari sa itsura at sa boses ng binata kung nababadtrip o natatawa ba ito sa pagkakahuli ni Richelle.

“May nagreklamo sa kanya dahil sa pagtambay niya ng mag-isa.”

“At sino yung nagreklamo sa kanya?”

“Shane, alam mo naman na ang patakaran ng jail booth tuwing foundation week, di ba? Isa sa pinaka-mabilis na paraan para makakuha kami ng funds ay yung mga estudyanteng nagbabayad saamin para manghuli ng ibang estudyante kaya confidential ang identity nila. Isa pa, this is just a friendly prank! Yung funds naman namin ay napupunta for a good cause."

Nagulat si Richelle sa narinig niya. Kung ganun pala ay hindi talaga yung simpleng pagtambay niya sa lilim ng puno ang dahilan kung bakit siya hinuli. May taong nagbayad para ipahuli siya! At kahit pa for a good cause ang pagbabayad para ipahuli siya, palaisipan kung sino yun at kung bakit siya pa ang pinahuli.

“Tsk! Magkano yung binayad sainyo para huliin si Iche?”

“2,500.”

“Ano! Ibig sabihin, limang libo ang pyansa niya!”

“Ganun na nga! Kailangan mong doblehin yung binayad nung nagpahuli para palayain ang kaibigan mo.”

“And you still call this a friendly prank? May nagbayad talaga ng ganun kalaki para magpahuli ng iba.”

“It’s for a good cause, Shane. Three years ka na rito sa NEU. And you know this is our tradition! Wala naman sanang pikunan.”

Matinding self-control na lang ang nagpipigil kay Shane para hindi magwala. Napatingin ito kay Richelle at saka nagtanong, “May matinding atraso ka ba sa isa sa mga kaklase mo o kakilala rito sa university? Ang tindi ng galit niya sayo ah. Nagbayad talaga ng ganun kalaki para ipahuli ka.”

Napakibit-balikat naman si Richelle, “Malay ko kung sino yun, Shane.” Nakasimangot na sagot niya.

Psycho's Love Interest ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon