Avah Maldita (Aarte pa?) Book is finally out!

2.6M 32.9K 4.2K
                                    

Avah Maldita (Aarte pa?) Book is finally out!

Please click the external link for more information

“You better be ready, 'cause simplychummy's Avah Maldita is out to live large and be in charge! (Taglish, P195)” – Pop Fiction

Hello guys! Isa lamang itong promotion. Hahaha.

Ang pinakamamahal nating si Avah Chen ay magmamaldita na sa mga bookstores nationwide! Yes! Published na po ang Avah Maldita (Aarte pa?) under Pop Fiction. Isa na syang ganap na libro! Mahahawakan, maamoy at mayayakap nyo na ang kamalditahan ni Avah Chen!

Mga dapat abangan sa Avah Maldita (AARTE PA?) Book:

Note: 70% ng Wattpad/Original version, ang binago ko. YES. YES. YES. Puro bago ang mababasa nyo sa libro. Kalimutan nyo muna yung original version dahil I assure you na MAS maganda ang revise/book version dahil pinaghirapan ko ‘yan. Hahaha.

6 months kong ni-revise ‘yan at ‘yan ang dahilan kung bakit kadalasan walang update!

Maayos na plot

Alam nyo naman na sa original version wala syang plot. Ngayon, meron na! Hooray!!

Jeje no more.

Hahahaha. Syempre nag-eevolve din naman ang mga jejemon na katulad ko kaya hindi na sya masakit sa mata na basahin.

 

Maldita Tips 101

Natatandaan nyo pa ba yung nilagay kong Maldita tips noon sa book 1? Well, bagong ‘Maldita Tips’ na ang ma-eencounter nyo.

Avah Chen version 2.0

Kung natarayan na kayo kay Avah Chen sa original version. Paano pa kaya ang isang ‘matured’ and ‘fiercer’ Avah Chen? Sigurado akong mas mamahalin nyo ang bagong Avah.

Mas intense na Pangmayamang Revenge

Sino ba namang makakalimot sa Pangmayamang Revenge ni Avah? Kung sa tingin nyo ‘intense’ na yung nasa original version. Basahin nyo ang book version.

New scenes, and maldita lines

Tulad ng sabi ko, PURO BAGO ang mababasa nyo.

Mas nakaka-aliw at makalaglag panga na panliligaw ni Neo

Napahanga ba kayo sa pangliligaw noon ni Neo? Pwes, lalaglag ang panga nyo sa book version. Kapit lang baka tangayin kayo ng hangin na dala nya. ;)

Hannah's bitchness

This. Bukod kay Avah, nag-improve din ang character ni Hannah. Hindi na lang sya nasa sideline. ;)

 

Aira, Frances & Dhonna's witty remarks

Of course, hindi makukumpleto ang Avah Maldita kung wala ang mga barkada ng bida.

Avy's kontrabida moment

Nainis ba kayo kay Avy noon? Same feels din pa kaya ang maramdaman nyo sa kanya sa book version or mas mainis kayo sa kanya?

Mikee's deepest darkest secret. LOL

Ito hastag alam na!

Mas mahabang exposure kina Miranda, Ian at ang pinakamamahal nyong si Haley (Parot)

Sino ba namang makakalimot kina Miranda, Ian at Haley? Na-miss nyo ba silang patayin sa utak nyo? Well, this is your chance! Bumili kayo ng libro!

 

Ang pag-extra ng BESPRENS and their promising roles! HAHAHAHAHA! (Sa tawa ko pa lang, alam nyo nang inapi sila ni Avah)

Malamang yung isa sa besprens, alam nyo na ang role. Si Manong Sic. Hahaha. So abangan nyo pa ang kung anong papel nina:

Jhingbautista (Jhing) , purplenayi (Nayi) , bluedust (Eileen) , maji_nacion (Je luu), yeppeodiane (Silvia),  Alyloony (Aly),  at i_love_kyle (Jen)!

 

PS. Ang ganda-ganda ni Avah sa cover at ang gwapo ng anak kong si Neo. 

Thank you Malditas’, Maldita Readers, Certified Maldita o ano pa man ang tawag sa inyo! Salamat sa suporta! Sana bumili kayo ng libro.

 

OH? AARTE PA?

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon