Caste War: BAYOGIN

4.2K 123 16
                                    

Everything seems too good to be true para sa Pilipinas na sa taong 2089 ay pinangalanan nang Bagong Namayan. Kaunlaran, kapayapaan, teknolohiya... Pero sa isang iglap, nang dahil lang sa isang ipinasang batas na kung tawagin ay Dakilang Utos 89, apat na buhay ang magbabago.

Para sa sarili, sasali ang aliping si Alunsina sa isang government-funded reality TV show for a chance to win the crown prince's heart. Para sa pag-ibig, pagta-trayduran ng sundalong si Sulayman ang royal army. Para sa sariling kalayaan, ipapahamak ng prinsipeng si Dimas ang karangalan ng royal family. At para sa pamilya, ipapahamak ni Aliguyon ang buhay niya -- kasehodang umamin siya na isa siyang bakla -- maligtas lang ang kapatid niyang may kapansanan.

Apat na kabataan ang babaguhin ng diskriminasyon, underpopulation, at pagkakaiba-iba ng mga paniniwala.


*BAYOGIN (buh yô gin) n.. [Ancient Tagalog] 1. bakla, bading, lesbiana, tomboy, lalaking umiibig o naaakit sa kapwa lalaki, babaeng umiibig o naaakit sa kapwa babae 2. lalaking nagsusuot ng pambabaeng kasuotan o babaeng nagsusuot ng panlalaking kasuotan 3. salot ng Bagong Namayan

*AUTHOR'S NOTE: Your votes will be greatly appreciated! : ))

MAGNANAKAW NG APOY (Magnanakaw Files #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon