Chapter 06: Overdose

7.9K 149 14
                                    

 

“I-m goi-ing with you.”

Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko na lang sinabi ‘yun. I found myself on the back of a racing bike clinging on to Lee’s waist as he was ferociously driving down the freeway. Ramdam na ramdam ko ang hangin na parang sumusuntok sa katawan ko while he was literally flying his car at 85 miles per hour. I pinched his arm to signal him to slow down but he did not pay attention to me as he maneuvered to the right causing our weight to follow. Akala ko talaga mahuhulog na ako at mamamatay dahil wala akong suot na helmet. I know I’m crazy.

Lee swerved to an empty parking space meant for motorbikes.

“I pinched you!!” I shouted at him as I jumped off the bike.

“I know at masakit.”

“It was to signal you to slow down. God! You were driving at 85 miles an hour. Were you digging your own grave? At sinama mo pa talaga ako!”

“As far as I can remember hindi kita sinama. Ikaw ang sumama sa’kin.” Sagot niya. He unhooked his helmet and jumped off his bike pagkatapos niyang patayin ang makina nito.

“Saan ka pupunta?” Tanong ko sa kanya pagkatapos niyang umalis. Hindi man lang niya ako sinama.

“I have an appointment kaya bumalik ka na ng school or umuwi ka na sa inyo.”

I followed him dahil wala na rin akong ibang choice.

“You know I can’t go home. Mapapatay ako ni Daddy pag nalaman niya na I ditched school. And this is all your fault.” I told him saka siya tumigil sa paglalakad at tumingin sa’kin ng masama.

“Isisi mo na sa’kin ang kasalanan mo para lang gumaan ang loob mo. Umalis ka na nga. May pupuntahan ako.”

“I can’t.”

“Tss. Bahala ka nga.” Nagpatuloy siya sa paglalakad niya so I followed him. Lumiko kami sa isang makitid na alleyway na may malalaking steps patungo sa isang underground street.

*riing* *riing*

Dinukot ko ang cellphone mula sa bulsa ko saka ko ‘to sinagot habang hindi ko inalis ang tingin ko ka Lee. Baka mawala na lang bigla. Hindi ko pa naman alam ang daan pauwi sa bahay namin at wala rin akong dalang pera pambayad sa taxi.

(Chandrielel! Where are you? Bakit hindi ka pa nakakabalik? Saang CR ka ba nagsuot?)

“Lana! I’m with Lee.”

(What? Nasan kayo? Pumunta ka na rito hinahanap na kayo.)

Nakita kong pumasok si Lee sa isang pintuan kaya nagpaalan na ako kay Lana.

“I don’t think I can. He ditched school and I followed him. Pakidala na lang ang bag ko mamaya ha pag-uwi mo. Thanks.”

Tumakbo naman agad ako saka ako pumasok sa pulang pinto. It was called Red Hideout. Nagdadalawang isip ako pero pumasok pa rin ako sa huli. It was a pool and billiard place. May mga babae sa lugar pero I know it’s an inappropriate place for girls especially kung naka uniform ka pa. The place was extremely dark with purple, blue and yellow lights, same aura sa party ni Michael. It was crowded at halos hindi na ako makahinga dahil sa amoy ng sigarilyo sa buong lugar. Hinanap ko si Lee pero hindi ko na siya makita.

“Langya!” I cursed. “Ilang segundo lang nawala sa paningin ko nawala agad. Excuse me! Excuse me!” I exclaimed as I was looking for a space where I can breathe. Pero sa sobrang crowded nang lugar, bigla na lang may tumulak sa’kin mula sa right side ko kaya na out balance ako. I was about to fall pero nahawakan niya ang kamay ko.

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon