Special Chapter 3: Jeremy

29.2K 594 58
                                    

I gave up.

Talaga namang nakaka-putangina 'pag naagawan ka eh. Hindi lang naman basta-basta ang naagaw sa akin, hindi 'yon laruan o lollipop, si Alex 'yon eh. Si Alex ang inagaw sa akin. Si Alex ang nawala sa akin.

Nung mga panahong iniwan siya sa ere ni Casimir gustong-gusto ko lang siyang yakapin para mawala 'yung sakit pero naisip kong hindi niya kailangan ng yakap, hindi niya kailangan ikulong sa bisig ng kung sino dahil ang kailangan niya ay oras at kalayaan para makapag-isip at ayusin ang mga bagay na dapat ayusin.

Nakaka-proud siya dahil nakikita ko ang pagsisikap niya sa pag-aaral at alam kong hindi lang para sa kaniya 'yon kundi para rin sa mahal niya.

Dati, ako 'yon eh. Dati ako 'yung mahal niya. Dati ako 'yung inspirasyon niya. Dati... dati 'yon.

Ngayon, nakikita ko silang masaya. Nakikita kong mahal nila ang isa't isa. Nakikita ko kung paano maging posible ang isang bagay na malabo. 'Yun bang masaya ka para sa kanila pero sa loob-loob mo nasasaktan ka.

Papunta akong cafeteria para bumili ng extrang tubig dahil may training kami mamaya nang makita ko silang nakaupo sa isa sa mga bench at magkatabing nagdo-drawing. Pagkabili ko ng tubig ay andoon pa rin silang dalawa at mukhang nag-e-enjoy.

Lumapit ako at naupo sa tapat nila. "Busy ah?"

Sinamaan agad ako ng tingin ni Casimir. "Go. Away."

I laughed. "Galit na galit? Kakamustahin ko lang naman si Alex eh." Tumingin ako sa kaniya. "So kamusta ka na Alex?" Nagpangalumbaba ako habang nakangiti.

"Ayos lang. Ikaw?" natatawang sagot niya.

"Ito, namimiss ka na. Tara, date tayo? Sa'n mo gusto?"

Bago pa siya makasagot ay binato na ako ng pambura ni Casimir sa mukha. Punyeta napuruhan ilong ko do'n ah, namula kaya? Hinimas-himas ko ito, tangna masakit eh.

"Bakit ka ba namamato?" sigaw ko.

"Kasi tangna ka."

Inungusan ko siya. "Nagseselos ka lang eh!"

"Bakit naman ako magseselos sa'yo? Umalis ka na nga kitang may ginagawa kami eh!"

I mimicked him. "Ang high blood mo." Ipinatong ko ang binili kong tubig sa lamesa. "O ayan, tubig baka sakaling lumamig ulo mo."

"Lalamig lang ang ulo ko kung mawawala ka sa paningin ko nga-..."

I gestured my hand. "Yeah, yeah aalis na, dami mo pang sinasabi eh." Tumayo na ako at sinukbit muli ang gym bag ko sa balikat. "Bye Alex! Date tayo minsan ah!"

Puro mura ang pinagsisisigaw sa akin ni Casimir habang naglalakad ako palayo. Tumawa na lang ako.

This is my only way to see her close, to see her smile, and to see her eyes closely. Kailangan ko silang guluhin o bwisitin para naman kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Mahirap magpanggap na hindi ka nasasaktan, mahirap magpanggap na masaya ka para sa kanila, at mahirap makitang may pumalit na sa pwesto ko sa puso niya.

Kung pinagkatiwalaan mo kaya ano noon, tayo pa rin kaya? Kung naniwala ako agad sa iyo noon, tayo pa rin kaya? Kung hindi niya tayo sinira noon, tayo pa rin kaya?

After all the things that happened I am still wondering if there would still be an us if we have different choices, different decisions.

If only I can travel back in time, I would choose to believe you, to trust you and to fight for you.

Madalas akong tuksuhin ng team mates ko na mag-move on na raw ako. Tatawa na lang ako sabay iling. 'Pag wala kaming practice, ang mga kaibigan ko ang kasama ko. Fraternity is not that bad, it was built for brotherhood. Naiiba na lang ang concept or perception ng tao ngayon sa frat dahil sa mga negatibong bagay na lumalabas ngayon.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon