Ten Twenty-Three

57 4 1
                                    

Noon, pag tumingin siya sa wristwatch niya at nakitang 10:23 am na, wala lang sa kanya. Oras lang naman ‘yun eh. Katulad lang din yan ng 10:22 at 10:24. Bibigyan niya lang ng ordinaryong tingin ang ordinaryong oras.

Pero ngayon?

 

Ito na yata ang 10:23 na ayaw niyang lumipas at matapos.

                                 

***

Nang malaman niyang August pa ang opening of classes nila, halos ipagsigawan niya ‘yun sa bawat group message niya ng araw na ‘yun. Sino ba naming hindi maiinggit? Kung halos lahat ng kaklase niya ay subsob na sa handouts at mga libro dahil sa exams, siya naman ay gising-kain-tulog lang ang buhay. 4 months of vacation! Salamat talaga at ngayong year binago ang academic calendar.

Okay naman ang lahat. Pero mga bandang June na, nagiging boring na ang dating masayang routine niya. Nocturnal na nga siya eh. Gigising ng 9:00 am, kakain, magbabasa, lunch, tulog hanggang 5:00pm, dinner, tulog na naman pag 9:00 or 10:00 na. Pero ng nagsimula na siyang makatanggap ng mga group messages tungkol sa first day, first week blahblah ng mga classmates niya, dun na nagsimula. Simula ‘nun, halos bilangin na niya ang pagdating ng oras. “Please August 18, hurry up!”, yan palagi ang iniisip at hashtag niya sa twitter. At habang naghihintay sa pagdating non, nilunod niya na lang ang sarili sa dami ng librong binabasa. Advantage din yun, Literature kasi ang kinuha niyang course. Ewan pa ‘kung ano ang kukunin niya pang course kung sakaling magdodouble major siya. Either Political Science or Psychology, para convenient pag nagproceed na siya sa Law.

Ang mga araw, kahit gaano man katagal, dumating din isa-isa. Hanggang nagging July ang June. At sa wakas, August na din. August 14.

Ngayon ang orientation nila. Puno ang auditorium. Pinili nilang umupo sa bandang gitna. Ang kasama niya lang ay ang classmate niya from HS at ang isa na niyang ka-close na kacourse din nya. Nang nagsimula ng mapuno ang auditorium, dun niya lang napansin ang mga schoolmates niya. “Mga weirdo”, naisip niya. Sa kapatid niya na rin nanggaling ‘yun. Ewan niya, kahit ngayong andito na siya, may parte pa ring nagiisip kung nasa tama siyang eskwelahan. Pwede rin naman siya sa ibang Universities sa city, pero mas pinili niya dito mag-aral kahit nasa bundok.

Katulad rin pala ng ibang eskwelahan ang pinili niya. Ang mga schoolmates niya? Ayun, may mga makakapal ang glasses at hawak ang kung anong hardbound na libro, may mga future mean girls, may walang pakealam sa mundo, may tulala, at ‘yung ilang mga lalake ay naguusap at tumatawa ng sobrang lakas. Classic.

10:23Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon