Chapter 24

11K 231 8
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

CHAPTER 24

"ARE you okay?" tanong ni Carmilo sa katabing dalaga.

Nagmamaneho siya ng kanyang kotse pauwi sa Antipolo. At kanina pa niya napupuna ang biglang pananahimik nito nang lisanin nila ang studio.

Napalingon ito sa kanya at tumango bilang sagot nang marinig niya ang pagbuntong-hininga nito.

"What's wrong?"

​"Nothing," napangiti ito sa kanya ngunit tila pilit lamang at iniwas ang paningin.

​"Izabelle, is there something wrong?" tanong niyang muli na ginagap ang kanang kamay nito. Habang ang kaliwang kamay naman niya ay nakahawak sa manibela ng kanyang kotse.

​Napalunok muna ito ng ilang beses at saka tumingin sa kanya sabay iling.

"Masama lang ang pakiramdam ko," anitong napabuntong-hininga.

"Gusto mo bang dumaan muna tayo sa hospital?" tanong niya na pinisil ang kamay ng dalaga.

​"Huwag na, hindi naman kailangan na pupunta pa ako sa hospital. Ipapahinga ko nalang ito sa bahay."

​Muli niya itong tiningnan at nagsalubong ang mga paningin nila. At nang ngumiti ito sa kanya ay napangiti na rin siya na itinaas ang kamay nito at dinala sa kanyang labi.

Mabini niyang hinalikan ang likod ng kamay nito at muling ibinaba.

GUSTONG maiyak ni Izabelle sa ipinapakitang pag-alala ng binata sa kanya. Gusto niya itong yakapin at sabihin ang nilalaman ng kanyang puso. Kung gaano niya ito kamahal kahit sa loob lamang nang maiksing panahon ang kanilang pagsasama.

Gusto niya rin itanong dito kung ano ang kanilang status. Kung mahal ba talaga siya nito ayon sa ipinapakita nito? O isang drama lamang iyon? Pero, paano niya iyon malalaman? Kung ayaw naman lumabas ng kahit isang kataga sa labi niya para magtanong sa binata?

Muli siyang napabuntong-hininga at pinigilan ang pagbagsak ng kanyang luha. Napatingin na lamang siya sa labas ng bintana habang binabagtas nila ang mataas na kalsada ng Marcos Highway papuntang Antipolo.

At ilang minuto pa ang dumaan ay narating din nila ang malaking bahay ng binata.

"Mabuti at dumating na kayo. I prepared a special dinner for us, come in."

Salubong ng mommy ng binata sa kanila na masayang niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.

"Andito nga pala si Rita, Carmilo," baling nito sa binata. "And Glaiza, too."

​"What?!" bulalas ng binata na humarap sa ina. "Mom? Bakit dinala ni Rita si Glaiza dito?"

​"Carmilo!"

​Hindi pa man nakasagot ang ginang ay narinig na nila ang pamilyar na boses. At lingid sa kanyang mga kaharap ay nakaramdam siya nang inis para sa babaeng kanilang bwesita! (bisita.)

Napahawak bigla si Carmilo sa kanyang kamay at napayakap sa kanyang baywang bago pa man makalapit nang tuluyan ang kanilang bwesita (bisita.) Si Glaiza na obsessed sa binata.

(Hahaha! At pinagdidiinan talaga ang BWESITA, eh, no? Hahahaha)

​"Glaiza, you're here," si Carmilo na pilit ang ngiting ibinigay sa dalaga.

​"Yes, honey. I decided to visit your place with Rita when I knew from her that Tita and Tito are here."

Napayakap ito sa binata at humalik pa sa pisngi.

​Hindi napigilang mapataas ng kilay si Izabelle sa ginawa ng kanilang bisita. At hindi man lang nahiyang yumakap at humalik sa kanyang asawa?

Damn!

Nangangati tuloy ang kanyang kamay na hilahin ang buhok nito palayo sa binata. At mas lalo pa siyang naiinis nang kumalas ang braso ng binata mula sa pagkakayakap sa kanyang baywang at gumanti nang yakap sa kanilang bwisita!

At ang hudas na pekeng asawa niya! Kunyari pang yayakap-yakap sa kanya, 'yun pala at may gana rin na makipagyakapan sa kanilang bwisita!

Kaya pasimple niyang hinila ang kamay ng binata pabalik sa kanya.

​"Hi, Glaiza, remember me? Ako ang asawa ni Carmilo!" pakilala niya sa sarili na hindi naiwasang ipinagdiinan ang salitang asawa.

​"Oh, yeah. Are you Anabel, right?" nakataas ang isang kilay na sagot ng kanilang kaharap na pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.

At wow!

Kung makatingin naman pala ito 'e, akala mo isa siyang bakterya na kailangan pang gamitan ng microscope sa paraan nang pagtingin nito sa kanya! At kailan pa siya naging si Anabel?

Crap!

​"Ano ka ba, I'm Izabelle, not Anabel," matamis ang ngiting pagtatama niya. "Ang bata mo pa para maging makalimutin ka, Glaiza," pabirong dagdag niya na mahinang tinapik sa braso ang dalaga. Dahilan nang pagseryoso ng mukha nito.

"Hay naku, tara na muna kayo at nang matulungan ko pa si Rita sa paghahanda ng mesa," singit ng ginang na nagpatiuna nang maglakad.

Sumunod naman si Glaiza na tinaasan muna siya ng kilay bago tinalikuran.

​"Who is Rita?" napabuga ng hangin na binalingan niya ang binatang naa-amuse ang mukha. "What? I'm asking you, kung sino si Rita."

"Honey..are you jealous?" pigil ang ngiting sumilay sa labi nito na humarap din sa kanya. Hinawakan pa siya nito sa kanyang magkabilang pisngi na hinuhuli ang kanyang paningin na pilit niyang iniiwas mula rito.

"Of course not! Why should I? In the first place, we're just a fake-"

​"Kuya! Finally you're here!"

​Masayang boses ang nagpaputol sa sasabihin sana ni Izabelle nang sabay silang napalingon sa pinanggalingan niyon.

At isang magandang dalaga na sa tantiya niya ay sa edad bente-tres lamang ito ang masayang lumapit sa kanila.

Mabilis siyang napatingin sa binata ganoon din ito sa kanya at napakibit-balikat na ngumiti ito sa kanya. Kaya napakagat labi na lamang siya at napangiti dito para pagtakpan ang pagkapahiya sa sarili.

"Rita, mabuti napadalaw ka," salubong ni Carmilo dito at yumakap. "Si Izabelle," pakilala nito sa kanya.

"Hi, Iza. Nice to meet you in person. Mas maganda ka pala sa personal kaysa sa mga newspaper," masayang sagot nito na yumakap din sa kanya at humalik pa sa kanyang pisngi.

"S-Salamat. Nice to meet you, too," pilit ang ngiting sagot niya.

"O siya, mamaya na tayo magku-kwentuhan. Naghanda kami ni Mommy ng special dinner. Tara!" anyaya nito na nagpatiuna na rin nang lakad sa kanila.

Malawak ang ngiting humarap sa kanya si Carmilo at hinawakan ang kanyang dalawang kamay.

"She's my sister. At wala kang dapat na ipagselos.."

​"Hindi naman ako nagseselos 'ah?" maagap niyang sagot nang pigilan siya nito.

​"Just saying," anitong hinalikan siya sa labi at niyaya pasunod sa kapatid nito.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon