It's Only You (Ikaw Lang Pala)

205 4 3
                                    

Nakailang nobyo na ba ako? Makailang beses na rin ba akong sawi sa pag-ibig? Hindi ko na nga masyadong maalala. Ngunit, sa kahit ano mang kinasasapitan ko, andyan lage ang nag-iisa kong best friend, si Fred. Siya lamang bukod sa aking mga magulang at kapatid ang nakakaintindi sa akin sa paraang gusto kong maintindihan ako ng kahit sinuman.

Alam kong di kayo maniniwala kung paano nag-ugat ang aming pagkakaibigan. Sabihin na nating false move ang nangyari. Kindergarten kami noon sa isang exclusive private school sa Cebu nang mag-krus ang aming landas. Kung gaano siya ka tahimik ay ganoon din ako ka madaldal sa klase. Isang araw, sa kalagitnaan nang talakayan namin sa klase ay bigla akong naihi. Dumalikyat ako’t pumaroon sa aming toilet. Nanlaki ang aking mga mata nang mabungaran ko doon si Fred. Umiihi. Tuwang-tuwa ako sa mura kong edad nang makita ko ang kanyang junior. Okay. Para mas madali ang kwento, sabihin na nating inakala ko noong bakla siya kaya naging close kami pero nang nagkaisip kami nung kami’y nasa elementarya na ay naliwanagan din akong straight pala ang aking kaibigan.

Hindi ko makalimutan nung hayskul pa kami. Niligawan niya ang Miss High School naming kaklase na si Ariana. Todo-suporta ang lahat kay Fred. At siyempre, kasali na ako doon. Nasa ikatlong taon kami noon nang mangyari ang hindi namin inaasahan – sasagutin na sana siya ni Ariana sa naka-iskedyul nilang date sa Ayala nang magka-LBM si Fred. Kaya ang kinalabasan – hindi na kailanman nagkibuan ang dalawa sa klase hanggang sa natapos ang taon. Hay, naku! Nakakatuwa talaga.

Nag-iisang anak si Fred. Mayaman ang pamilya nila. Of course, mayaman din naman kami pero kung literal na kayamanan ang pag-uusapan mas nakakahigit sila. Bago matapos ang fourth year sa hayskul, bigla akong niligawan ni Joshua, pinsan ni Fred na anak ng may-ari ng Marco Polo Tower. Dahil mayaman, can-afford ika nga, at isa rin sa mga heartthrobs sa school namin, aba’y pangalawang araw pa lamang ng panliligaw ay sinapak ko na nang matatamis kong OO!. Si Joshua ang naging una kong kasintahan. Sabihin na nating umabot kami ng 5 buwan. Gusto niyo bang malaman kung bakit kami naghiwalay? Naku, magugulat kayo.

Pahintulutan n’yo akong isalaysay nang kaunti lang naman ang dahilan ng aming hiwalayan ni Joshua. May party noon sa bahay ng isa naming kaklase at siyempre, imbitado kami ni Fred at Joshua. Nagulat ako nang si Fred ang sumundo sa akin. Susunod na lang daw ito kasi may aayusin muna. Kaya hayun, lumipas ang ilang oras, nagsimula nang magsiuwian ang lahat, hanggang sa nag-off lights na ang venue ay hindi sumipot ang aking nobyo. Nang binabagtas namin ang daan pauwi, biglang may nabungaran ang aking mga mata. Isang bar na puno ng kalalakihan. Pinilit ko si Fred na samahan ako doon. At nagka-goosebumps ako nang makita ko ang aking limang buwang nobyo na nakikipaglandian sa kapwa lalaki, hubad ang pang-itaas na damit. Hindi ko lubos mawaring nagkaroon ako ng relasyon sa isang bi! So, to cut the long story short, sapol ang bata, dead-end ang kinalabasan.

Balik tayo sa buhay ni Fred. Nasa-kolehiyo na kami noon. Pareho kami ng kurso, AB Communications. Pareho kaming nasa Ateneo sa Maynila. Pareho din kaming scholars dahil sa siya ang valedictorian at ako naman ang salutatorian sa klase noong hayskul. Oops! Hindi kami nagkokopyahan! Magkaiba kami ng rows sa seating arrangement ng titser namin. Ngayon, sinubukang ligawan ni Fred ang nag-iisa kong kapatid na si Macy. Sabihin na nating maganda rin katulad ko ang aking kapatid, matalino, at hindi suwail. Todo-suporta pa rin ako sa aking nag-iisang matalik na kaibigan. Sinagot din naman siya ni Macy. Pero, dahil sa long distance affair at dahil sa mas bata ang aking kapatid ng isang taon sa kanya, nauwi rin sa breakup ang lahat. Inaway ko pa nga si Macy nang malaman ko ito. Pero, wala na rin akong nagawa para maipanumbalik ang kanilang relasyon.

Nagtapos na kami ng kolehiyo. Nakapagtrabaho agad ako sa isang malaking TV station dito sa Pilipinas. Nalungkot ako nang umalis si Fred papuntang France para doon magtrabaho. Ganun pa man, hindi pa rin nawala ang aming pagkakaibigan. Chat sa facebook. Video call sa skype. Friends sa messenger. At siyempre, phone calls and text.  Mahigit limang taon din kaming nagkahiwalay ni Fred. At sa mga panahong yaon, ang dami kong nakarelasyon at sa tuwing nauuwi sa kasawian ang lahat, si Fred ang lagi kong kinakapitan. Si Paul – manager ng isang bangko; nagkahiwalay din kasi babaero. Si Alfred – isang flight attendant; tatlong buwan lang din kami. Si Lloyd – mayamang propesor sa La Salle; isang taon kaming nagkarelasyon pero nauwi rin sa wala kasi umalis din ng bansa. At marami pang iba. Puro magagandang simula pero puro kasawian ang kinasapitan.

Tuwang-tuwa ako nang sabihin sa akin ni Fred na magbabakasyon siya ng isang taon sa Pilipinas. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit excited na excited akong magkita kami. Para bang uhaw na uhaw ako. Sa madaling sabi, nagkita kami sa NAIA at walang hiya-hiyang sinalubong ko siya ng halik sa pisngi na siyang ikinagulat niya. Sa ilang dekada naming naging magkaibigan ay ngayon ko pa siya hinalikan. Halos magkasama kami palagi simula nang bumalik siya sa bansa. Pumunta kami ng Baguio. Nag-surfing kami sa Siargao. Nag-cruise sa Singapore at Malaysia. At marami pang iba. Sinulit namin ang mga pagkakataong magkasama kami.

At ngayon, nasa Ilocos kami. Sa probinsiya ng kanyang lolo at lola. Magiliw naman kaming tinanggap doon. Doon ko binuksan ang aking damdamin. Madalas kasi kaming tuksuhing dalawa. Sabi ng lolo at lola niya, ba’t di na lang daw kami ang magkatuluyan. Bagay na bagay naman daw kami. Na sa dami na raw ng aming karanasan at pinagsamahan, tila bagang kami ang itinadhana. Di lang namin nakikita kasi sarado ang aming mga isipan para sa mga ganyang bagay. Tiningnan ko si Fred. Oo nga naman. Gwapo siya. Matalino. May trabaho. Can-afford. Mabait. Yung tipong ideal boyfriend o husband. At marami pang magagandang bagay ang pumailanlang sa aking isipan na pilit ko ring sinita kinalaunan.

Namasyal kami sa Vigan. Pumanta sa isang church ruins. Bigla kaming nagulat nang sumulpot ang isang batang babae, may dalang sampaguita. Ibinigay niya sa akin ang bulaklak at sinabing sana ay huwag na daw naming takpan ang aming mga puso. Hindi kami nakakibo nang sabihin iyon ng batang si Grace, apo pala ng nangngangalaga sa simbahan. Simula nang nagpunta kami ng Ilocos, lagi na lamang kaming i-mina-match ni Fred. Wala rin namang reaksyon si Fred. Dedma na rin lang din ako.

Natapos ang isang taon. Bumalik ng France si Fred. Naiwan ako sa Pilipinas. Bigla akong nalungkot. Para bang hindi mapakali. Laging may hinahanap. Parang laging may kulang. Laging excited kapag tumatawag si Fred, o di kaya’y kausap sa skype, o ka-ym, o kahit ka-text lang. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Parang kabaliwan na yata ang isiping mamahalin ako ni Fred nangg higit pa sa pagiging isang kaibigan.

Hindi pa man nangangalahati ang isang taon bago siya umalis, nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanyang mommy na uuwi daw ito sa susunod na linggo at inaanyayahan daw akong pumunta ng Cebu. Dahil nga matalik na kaibigan, pumunta naman ako ng Cebu. Doon ako lumagi sa Beverly Hills kung saan nakatirik ang aming bahay na katabi ng bahay nila. Lunes, nag-text si Fred. Nasa labas daw siya ng bahay. Dali-dali akong lumabas upang salubingin siya. Ngunit nang lumabas ako’y napakatahimik ng kalye. Ni walang isa mang sasakyan. Nag-text siya uli. Tumingin daw ako sa himpapawid. Kasabay nang pagbuhos ng iba’t ibang uri ng bulaklak mula sa alapaap ay siya rin pagbugso ng luha sa aking mga mata nang matanawan ko si Fred, unti-unting bumababa sakay ng isang hot air balloon, na kinasabitan ng isang streamer na may nakatitik na ‘Best friend, I LOVE YOU! Pwede bang tayo na lang?’ Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako kinilig at nasorpresa ng ganito. Punung-puno ng kagalakan ang aking puso. Pakiramdam ko’y ako na ang pinakamapalad na babae sa buong mundo. Oo, mahal ko na noon pa si Fred. Pero pilit kong binaliwala ang aking nararamdaman dahil magkaibigan kami. At ngayon, wala ng rason para mag-alinlangan.

Pagdapo sa lupa ng kanyang sinasakyan ay hindi na ako nagdalawang isip. Tumakbo ako at niyapos siya nang mahigpit. Wala akong pakialam sa kahit anumang sabihin nang mga nagsisimula nang dumaang sasakyan. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Hinagkan niya ako. Sa noo. Sa pisngi. Sa ilong. Sa mga daliri. Sa labi. Yun ang hindi ko makakalimutang halik mula sa isang lalaki. Bigla siyang lumuhod. At biglang dumapo ang isang white dove na may diamond ring sa paa. Unti-unti niyang isinuot sa aking daliri ang singsing habang tinatanong ako kung papayag ba akong kami na lang ang magkatuluyan habambuhay. Hindi na ako nagpakipot pa. Lumuhod din ako at hinagkan siya sa labi, tanda ng aking buong pusong pagtanggap sa kanyang alok.

Ngayon, masaya na kami ni Fred. Magkasamang naninirahan dito sa Cebu, hinihintay ang pagsilang ng isang anghel na siyang bubuo sa aming pamilya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's Only You (Ikaw Lang Pala)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon